Hindi ba`t kayo ay nagtatagumpay at nabibiyayaan dahil sa mahihina sa inyo

Hindi ba`t kayo ay nagtatagumpay at nabibiyayaan dahil sa mahihina sa inyo

Inakala ni Sa`ad na sa kanya ay may higit na kainaman na higit sa iba,Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Hindi ba`t kayo ay nagtatagumpay at nabibiyayaan dahil sa mahihina sa inyo)) Ayon kay Abū Dardā 'Uwaymer-malugod si Allah sa kanya-Hadith na Marfu :(( Tulungan ninyo ako [sa pangangailangan ng] mga mahihina,Sapagkat tunay na kayo nagtatagumpay at binibiyayaan dahil sa mga mahihina sa inyo))

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy - Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy - Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Sa dalawang Hadith na ito,ay nagpapatunay na ang mga mahihina ay dahilan ng pagtagumpay at dahilan ng biyaya sa Ummah,kapag nanabik sa kanila ang mga tao at naging maawain sa kanila,at ibinigaay sa kanila ang anumang ipinagkaloob ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,Ito ay magiging dahilan ng pagtagumpay sa mga kalaban,at magiging dahilan ng mga biyaya.Sapagkat sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya na kapag gumugol ang tao para sa kanyang Panginoon,tunay na papalitan ito ni Allah Pagkataas-taas Niya- sa kanya, Nagsabi si Allah-Pagkataas-taas Niya : (( At anumang bagay ang inyong gugulin [tungo sa kapakanan ni Allah] katiyakang ito ay Kanyang pinapalitan)) Pinapalitan: Ibig sabihin:ay darating sa kanya ang kapalit at kabayaran.

التصنيفات

Ang mga Kalagayan ng mga Taong Maayos