إعدادات العرض
O Sugo ni Allah, ano po ang tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kunin ang ari-arian ko? Nagsabi siya: Huwag mong ibigay ang ari-arian mo.
O Sugo ni Allah, ano po ang tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kunin ang ari-arian ko? Nagsabi siya: Huwag mong ibigay ang ari-arian mo.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "May pumuntang lalaki sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: "O Sugo ni Allah, ano po ang tingin mo kung may dumating na isang lalaking nagnanais na kunin ang ari-arian ko? Nagsabi siya: Huwag mong ibigay ang ari-arian mo. Nagsabi ito: Ano po ang tingin mo kung kakalabanin niya ako? Nagsabi siya: Kalabanin mo siya. Nagsabi ito: Ano po ang tingin mo kung napatay niya ako? Nagsabi siya: Ikaw ay magiging martir. Nagsabi ito: Ano po ang tingin mo kung napatay ko siya? Nagsabi siya: Siya ay mapupunta sa Impiyerno."
[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල Hausa Kurdîالشرح
May pumuntang lalaki sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, at nagsabi: "Ipabatid mo sa akin, o Sugo ni Allah, ano po ang nararapat sa akin na gawin kung sakaling may isang lalaking dumating upang kunin ang ari-arian ko nang walang anumang karapatan?" Nagsabi siya: "Huwag mong ibigay sa kanya ang ari-arian mo." Nagsabi ito: "Ipabatid mo sa akin, o Sugo ni Allah, ano po ang nararapat sa akin na gawin kung kakalabanin niya ako?" Nagsabi siya: "Ipagtanggol mo ang ari-arian mo kahit pa man humantong iyon sa pakikipaglaban sa kanya ngunit matapos na pinigil mo siya muna sa pinakabayad na paraan gaya ng pagpapasaklolo, halimbawa, o pagtakot doon sa pamamagitan ng paghampas o pagpapaputok doon ng baril nang hindi pinatatamaan." Nagsabi ito: "Kung sakaling napuruhan niya ako at napatay niya ako, ano po ang kahahantungan ko?" Nagsabi siya: "Magkakamit ka ng gantimpala ng sinumang namatay na martir." Nagsabi ito: "Kung sakaling napuruhan ko siya at napatay ko siya bilang pagtatanggol sa ari-arian ko, ano po ang kahihinatnan niya?" Nagsabi siya: "Siya ay mapupunta sa Impiyerno nang pansamantala hanggat hindi niya itinuring na ipinahihintulot ang paggawa niya niyon, at kung hindi ay mananatili siya sa Impiyerno magpakailanman dahil siya ay nagtuturing na ipinahihintulot ang isang bagay na kinakailangang nalalaman ang pagbabawal niyon sa Islam.