إعدادات العرض
{Nagsabi sa akin ang Propeta (s): "Bumigkas ka sa akin [ng Qur'an
{Nagsabi sa akin ang Propeta (s): "Bumigkas ka sa akin [ng Qur'an
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Propeta (s): "Bumigkas ka sa akin [ng Qur'an" Nagsabi ako: "O Sugo ni Allah, bibigkas po ba ako sa iyo samantalang sa iyo ibinaba ito?" Nagsabi siya: "Oo." Kaya binigkas ko ang Kabanatang An-Nisā' hanggang sa dumating ako talatang ito (Qur'an 4:41): {Kaya papaano kapag naghatid Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at naghatid Kami sa iyo sa mga ito bilang saksi?} Nagsabi siya: "Ang kasapatan sa iyo ay ngayon." Kaya lumingon ako sa kanya saka ang mga mata niya pala ay lumuluha."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdî دری Português Македонски Magyar ქართული ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Kiswahili ગુજરાતીالشرح
Humiling ang Propeta (s) kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh dito) na bumigkas ito sa kanya mula sa Qur'an. Kaya nagsabi ito: "O Sugo ni Allah, papaano po akong bibigkas nito sa iyo samantalang sa iyo ibinaba ito?" Nagsabi naman siya (s): "Tunay na ako ay nakaiibig na makarinig nito mula sa iba pa sa akin." Kaya bumigkas ito sa kanya mula sa Kabanatang An-Nisā' saka umabot ito sa sabi ni Allah (Qur'an 4:41): {Kaya papaano kapag naghatid Kami mula sa bawat kalipunan ng isang saksi at naghatid Kami sa iyo sa mga ito bilang saksi?} Ibig sabihin: Magiging ano ang kalagayan mo at ang kalagayan ng Kalipunan mo kapag naghatid Kami sa iyo bilang saksi sa Kalipunan mo na ikaw ay nagpaabot sa kanil ng mensahe ng Panginoon mo? Kaya nagsabi ang Propeta (s): "Tumigil ka na sa pagbigkas." Nagsabi naman si Ibnu Mas`ūd (malugod si Allah dito): "Kaya lumingon ako sa kanya saka ang mga mata niya pala ay dinadaluyan ng mga luha ng mga ito dala ng pagkasindak sa matutunghayan at dala ng pagkaawa sa Kalipunan niya."فوائد الحديث
Nagsabi si An-Nawawīy: Ang pagsasakaibig-ibig ng pakikinig sa pagbigkas, pagtuon dito, pag-iyak sa sandali ng pakikinig dito, at pagmumuni-muni rito. Ang pagsasakaibig-ibig ng paghiling ng pagbigkas nito mula sa iba pa upang makapakinig sa kanya. Ito ay higit na mabisa sa pagpapakaintindi at pagmumuni-muni kaysa sa pagbigkas niya mismo.
Ang pakikinig sa Qur'an ay may dulot na gantimpala gaya sa pagbigkas nito.
Ang kainaman ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh dito) yayamang inibig na Sugo (s) na makarinig niyon mula sa bibig nito. Ito ay nagpaaptunay sa sigasig ni `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh dito) sa pagpapakaestudyante ng Qur'an, pagsasaulotnito, at pagpapahusay rito.
Ang kainaman ng pag-iyak dala ng pagkatakot kay Allah (aj) sa sandali ng pagkarinig ng mga talata nito kasabay ng pananatili sa pananahimik, kagandahan ng pagwawalang-kibo, at kawalan ng pagsigaw.
