Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon.

Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon.

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya: "Ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Dito nilikha si Adan, dito ipinasok siya sa Paraiso, dito inilabas siya mula roon."

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Nagpapabatid ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Sa araw na ito nilikha si Adan, ang ama ng Sangkatauhan. Nilikha siya ni Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, sa pamamagitan ng kamay Nito. Nilikha Nito siya mula sa alabok at nangyari iyon sa araw ng Biyernes. Sa araw na ito ipinasok si Adan sa Paraiso, ang tuluyan na tutuluyan ng Sangkatauhan. Ipinasok siya ni Allāh sa Paraiso, siya at ang maybahay niya. Sa araw ng Biyernes, inutusan siya ni Allāh, pagkataas-taas Niya, na lumabas mula sa Paraiso. Ang pagpapalabas sa kanya ay hindi para hamakin, bagkus dahil sa hinihiling ng karunungan ni Allāh, pagkataas-taas Niya.

التصنيفات

Ang mga Naunang Propeta at mga Sugo - sumakanila ang pangangalaga