إعدادات العرض
Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at banggitin ninyo ang pangalan ni Allah, pagpapalain Niya kayo roon.
Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at banggitin ninyo ang pangalan ni Allah, pagpapalain Niya kayo roon.
Ayon kay Waḥshīy bin Ḥarb, malugod si Allāh sa kanya: Ang mga Kasamahan ng Sugo ni Allah ay nagsabi: "O Sugo ni Allah, tunay na kami ay kumakain ngunit hindi nabubusog?" Nagsabi siya: "Kaya baka kayo ay naghihiwa-hiwalay?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo sa pagkain ninyo at banggitin ninyo ang pangalan ni Allah, pagpapalain Niya kayo roon."
[Maganda] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah - Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt ئۇيغۇرچە Hausa Kurdîالشرح
Nagsabi ang mga Kasamahan ng Propeta sa kanya, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na sila ay kumakain ngunit hindi nabubusog. Kaya ipinabatid sa kanila ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, na doon ay may mga dahilang kabilang sa mga ito ang paghihiwa-hiwalay sa pagkain. Tunay na iyon ay kabilang sa mga dahilan ng pag-aalis ng biyaya dahil ang paghihiwa-hiwalay ay nag-oobliga na ang bawat isa ay lalagyan ng sariling plato kaya maghihiwa-hiwalay ang pagkain at naaalis ang biyaya niyon. Kabilang din sa mga ito ang hindi pagsambit sa pangalan ni Allah sa pagkain sapagkat tunay na ang tao, kapag hindi bumanggit sa pangalan ni Allah sa pagkain, kumakain ang demonyo kasama niya at naalis ang biyaya sa pagkain.