Tulungan mo ang kapatid mo habang nang-aapi o inaapi.

Tulungan mo ang kapatid mo habang nang-aapi o inaapi.

Ayon kay Anas bin Mālik, malugod si Allāh sa kanya: "Tulungan mo ang kapatid mo habang nang-aapi o inaapi." May nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, tutulungan ko siya kapag siya ay inaapi. Ano po sa tingin mo kung siya ay nang-aapi, papaano ko siyang tutulungan?" Nagsasabi siya: "Hahadlangan mo siya - o pipigilan mo siya - sa pang-aapi sapagkat tunay na iyan ay pagtulong sa kanya."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Tulungan mo ang kapatid mo habang nang-aapi o inaapi." Kaya may nagsabing isang lalaki: "Tutulungan ko po siya kapag siya ay inaapi sa pamamagitan ng pagtataboy ng pang-aapi palayo sa kanya ngunit papaano ko siyang tutulungan kung siya ay nang-aapi sa pamamagitan ng pangangaway sa iba?" Nagsasabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Pipigilan mo siya sa pang-aapi niya sa iba sapagkat tunay na iyan ay pagtulong sa kanya."

التصنيفات

Ang Lipunang Muslim