إعدادات العرض
Walang magluluksang isang babae sa isang patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]
Walang magluluksang isang babae sa isang patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]
Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Walang magluluksang isang babae sa isang patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot ng isang damit na tinina maliban ng isang damit na `aṣb, hindi siya gagamit ng kuḥl, at hindi siya hihipo ng pabango malibang kapag natapos magregla: isang katiting na qust o ađfār."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Tiếng Việt Magyar ქართული Kiswahili සිංහල Română অসমীয়া ไทย मराठी دری አማርኛ ភាសាខ្មែរ Nederlands Македонски ગુજરાતી ਪੰਜਾਬੀالشرح
Sinaway ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ang mga babae laban sa pagluluksa — sa pamamagitan ng pagwawaksi ng panggayak gaya ng mabangong bagay, kuḥl, mga alahas, at mga marikit na damit — sa isang patay maging ito man ay ama o kapatid o anak o iba pa sa kanila nang hihigit sa tatlong araw, maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot sa pagluluksa niya sa asawa ng lahat ng damit na kinulayan para sa gayak maliban sa damit na `aṣb, na isang damit na Yamānīy, na kinulayan [ang mga sinulid] bago mahabi. Hindi siya maglalagay ng kuḥl sa mata para sa paggayak. Hindi siya magpapabango ng mga halimuyak na pampabango (perfume) at iba pa sa mga ito, malibang kapag nakapaligo siya matapos ng regla niya sapagkat makagagamit siya ng isang katiting na qust o ađfār, na dalawang kilalang uri ng insenso at hindi tumutukoy sa pabango. Nagpahintulot dito para sa babaing nakapaligo matapos ng pagreregla para sa pag-alis ng mabahong amoy, na inireresulta ng bakas ng dugo sa ari ng babae, hindi para sa pagpapabango.فوائد الحديث
Ang pagluluksa ay nangangahulugan ng pagwaksi ng gayak at anumang nag-aanyaya tungo sa pag-aasawa kaya kailangan sa maybahay na umiwas sa bawat alahas at bawat pabango at kuḥl at umiwas sa mga damit na panggayak.
Ang pagsaway ng pagluluksa ng babae sa isang patay higit sa tatlong araw maliban sa asawa niya.
Ang paglilinaw sa mahalagang katayuan ng asawa yayamang hindi nagluluksa sa iba pa sa kanya nang higit sa tatlong araw.
Ang pagpayag sa pagluluksang tatlong araw o mababa pa bilang pagbibigay-luwag sa sarili.
Ang pagkakinakailangan ng pagluluksa ng babae sa asawa niya nang apat na buwan at sampung araw hanggat siya ay hindi buntis o hanggang sa makapagsilang kung buntis.
Pinapayagan sa kanya ang damit na kinulayan hindi para sa gayak at ang tuntunin ng pag-alam nito ay ang kaugalian.
التصنيفات
Ang `Iddah