إعدادات العرض
1- Hindi magluluksa ang isang babae sa patay nang higit sa tatlong [araw] maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw]. Hindi siya magsusuot ng isang damit na tinina maliban sa damit na `aṣb, hindi siya gagamit ng kuḥl, at hindi siya hihipo ng pabango malibang kapag natapos magregla: katiting na qust o ađfār.
2- Hindi ipinahihintulot sa sa isang babaing sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw na magluksa sa isang patay nang higit sa tatlong [araw], maliban sa asawa, na [ipagluluksa ng] apat na buwan at sampung [araw].
3- Ang babae noon, kapag namatayan ng asawa, ay pumapasok sa isang dampa, nagsusuot ng pinakamasama sa mga kasuutan niya, hindi humihipo ng isang pabango ni anuman hanggang sa nilipasan siya ng isang taon. Pagkatapos ay bibigyan siya ng isang hayop: asno o ibon o tupa, at ikukuskos niya ito [sa katawan niya]!
4- Ang ḥadīth ayon kay Subay`ah Al-Aslamīyah kaugnay sa `iddah