إعدادات العرض
Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."}
Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."}
Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Magpasunuran kayo ng ḥajj at `umrah sapagkat ang dalawang ito ay nag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala kung paanong nag-aalis ang bubulusan ng latak ng bakal, ginto, at pilak. Ang ḥajj na tinanggap ay walang gantimpala kundi ang Paraiso."}
الترجمة
العربية Tiếng Việt Bahasa Indonesia Nederlands Kiswahili অসমীয়া English ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Hausa Română ไทย Português मराठी ភាសាខ្មែរ دری አማርኛ বাংলা Kurdî Македонскиالشرح
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagpapalapit sa pagitan ng pagganap ng mga gawaing pagsamba ng ḥajj at mga gawaing pagsamba ng `umrah at hindi pagkaputol ng pagganap sa dalawang ito ayon sa kakayahan dahil ang pagganap sa dalawang ito ay isang kadahilanan sa pag-aalis ng karalitaan at mga pagkakasala at bakas ng mga ito sa puso kung paano na ang pag-ihip ng apoy ay isang kadahilanan sa pag-aalis ng karumihan ng bakal at anumang humahalo rito na mga metal na hindi bahagi nito.فوائد الحديث
Ang kainaman ng pagpapasunuran ng ḥajj at `umrah at ang paghimok doon.
Ang pagpapasunud-sunuran sa paggawa ng ḥajj at `umrah ay kabilang sa mga kadahilanan ng kasapatan at kapatawaran ng mga pagkakasala.
Nagsabi si Al-Mubārakfūrīy: Ang "nag-aalis ng karalitaan" ay nangangahulugang nagpapawi nito. Ito ay nakatatagal sa hayag na karalitaan sa pamamagitan ng pagkakamit ng kasapatan ng kamay at ng kubling karalitaan sa pamamagitan ng pagkakamit ng kasapatan ng puso.
التصنيفات
Ang Kainaman ng Ḥajj at `Umrah