إعدادات العرض
Ilalahad ang mga sigalot sa mga puso gaya ng banig na nilala isang panlala matapos ng isang panlala
Ilalahad ang mga sigalot sa mga puso gaya ng banig na nilala isang panlala matapos ng isang panlala
Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Kami minsan ay nasa piling ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) saka nagsabi siya: "Alin sa inyo ang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga sigalot?" Kaya may nagsabing mga tao: "Kami ay nakarinig sa kanya." Kaya nagsabi siya: "Baka kayo ay tumutukoy sa sigalot ng lalaki sa mag-anak niya at kapit-bahay niya?" Nagsabi sila: "Oo nga." Nagsabi siya: "Doon ay magtatakip-sala ang ṣalāh, ang pag-aayuno, at ang kawanggawa. Subalit alin sa inyo ang nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng umaalon nang pag-alon ng dagat?"} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Kaya tumahimik ang mga tao saka nagsabi ako: "Ako po." Nagsabi siya: "Ikaw, para kay Allāh. ang ama mo!"} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Ilalahad ang mga sigalot sa mga puso gaya ng banig na nilala isang panlala matapos ng isang panlala. Kaya alinmang pusong pinainuman ng mga ito, may babatik dito na isang itim na batik; at alinmang pusong tumututol sa mga ito, may babatik dito na isang puting batik; hanggang sa ang mga ito ay maging nasa dalawang puso: nasa puti tulad ng kadalisayan kaya walang pipinsala rito na isang sigalot hanggat namalagi ang mga langit at ang lupa at ang iba ay itim na kulay-alikabok gaya ng saro habang nakatabingi, na hindi nakakikilala sa isang nakabubuti at hindi tumututol sa isang nakasasama, maliban sa ipinainom mula sa pithaya niya."} Nagsabi si Ḥudhayfah: {Nagsanaysay ako sa kanya na: "Sa pagitan mo at ng mga iyon ay may isang pintuang isinara na napipinto na mawasak." Nagsabi si `Umar: "Isang pagkawasak ba? Wala sa ama, bagkus ukol sa iyo![1] Kaya kung sakali na ito ay binuksan, baka ito ay panunumbalikin." Kaya nagsabi ako: "Hindi; bagkus wawasakin ito." Nagsanaysay ako rito na ang pintuang iyon ay [sumasagisag sa] isang lalaking papatayin o mamamatay – isang sanaysay na walang mga pagkakamali.} Nagsabi si Abū Khālid: {Nagsabi ako kay Sa`d: "O Ama ni Mālik, ano ang itim na kulay-alikabok?" Nagsabi ito: "Ang katindihan ng kaputian sa isang kaitiman." Nagsabi ako: "Saka ano ang saro habang nakatabingi?" Nagsabi ito: "Itiniwarik."}
الترجمة
العربية Tiếng Việt Bahasa Indonesia Nederlands Kiswahili English অসমীয়া ગુજરાતી සිංහල Magyar ქართული Hausa Română ไทย Português मराठी ភាសាខ្មែរ دری አማርኛ বাংলা Kurdî తెలుగు Македонскиالشرح
Ang pinuno ng mga mananampalataya na si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ay minsang nasa isang pagtitipon at may kapiling ito na isang pagkatipon ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) saka nagsabi siya sa kanila: "Alin sa inyo ang nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga sigalot?" Kaya nagsabi ang ilan sa kanila: "Kami ay nakarinig sa kanya na bumabanggit ng mga sigalot." Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Baka kayo ay tumutukoy sa pagsubok at pagsusulit ng lalaki sa natatangi sa kanya: sa maybahay niya at anak niya, na pakalabis ng pag-ibig niya sa kanila, pagdaramot niya para sa kanila, at pagkaabala niya dahil palayo sa marami sa kabutihan, o dahil sa pagpapabaya niya sa anumang inoobliga na pagsasagawa ng mga karapatan nila, pag-eedukasyon sa kanila, at pagtuturo sa kanila; at gayon din ang sigalot ng lalaki sa kapit-bahay niya at tulad niyon. Baka kayo ay tumutukoy niyon?" Nagsabi sila: "Siya nga." Nagsabi siya: "Ang mga iyon ay mga sigalot na humihiling ng pagtutuos. Kabilang sa mga iyon ay mga pagkakasalang inaasahan ang pagtatakip-sala sa mga ito sa pamamagitan ng mga magandang gawa gaya ng ṣalāh, pag-aayuno, at kawanggawa. Subalit alin sa inyo ang nakarinig sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bumabanggit ng mga pangkalahatang sigalot, na dahil sa tindi ng bigat ng mga iyon at dami ng pagkalaganap ng mga iyon, bumubulabog ang mga iyon sa mga tao gaya ng pagbulabog ng dagat?" Kaya nanahimik ang mga tao saka nagsabi si Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ako po ay nakarinig sa kanya." Kaya natuwa si `Umar (malugod si Allāh dito) at nagsabi siya rito: "Ukol kay Allāh ang tagumpay ng ama mo yayamang nagluwal siya ng tulad mo."} Sabihing nagsabi si Ḥudhayfah na nagsabi ang Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Lalantad ang mga sigalot at kakapit sa luwang at gilid ng puso ng tao gaya ng pagkapit ng higaang banig sa tagiliran ng natutulog dito at aapekto ito sa puso dala ng tindi ng pagkakapit ng mga sigalot dito. Panunumbalikin ang mga sigalot na ito at mauulit-ulit ang mga ito isang sigalot matapos ng isa pa. Ang alinmang puso na pumasok ang mga iyon dito, umibig sa mga ito, at nakihalo ang mga iyon dito gaya ng pakikihalo at pagpasok ng inumin, may itutuldok sa puso niya na isang itim na tuldok; at ang alinmang puso na tumanggi sa mga ito, may itutuldok dito na isang puting tuldok; hanggang sa ang mga puso ay maging nasa dalawang uri: isang puting puso dahil sa katindihan ng pagkakatali ng pananampalataya at pagkaligtas nito sa mga kasiraan at na ang mga sigalot ay hindi nakakapit dito at hindi nakaapekto rito gaya ng bato ng kabusilakang makinis na walang kumakapit dito na anuman kaya walang pumipinsala rito na isang sigalot hanggang sa makatagpo niya si Allāh. Ang ibang puso ay pusong nag-iba ang kulay nito na naging itim dahil sa mga sigalot, gaya ng banga-bangaang nakatagilid o itinaob, na walang makapanatili rito na tubig. Ganito ang taguring ito, walang makakakapit dito na kabutihan ni karunungan, na hindi kumikilala sa isang nakabubuti at hindi tumututol sa isang nakasasama, maliban sa iniibig nito at pinithaya ng sarili nito." Nagsabi si Ḥudhayfah kay `Umar: "Tunay ang mga sigalot na iyon ay walang lalabas na anuman mula sa mga ito sa buhay mo. Sa pagitan mo at ng mga iyon ay may isang pintuang isinara na nalalapit na mawasak." Nagsabi si `Umar: "Mawawasak ba ito sa isang pagkawasak? Kaya kung sakali na ito ay binuksan, baka ito ay panunumbalikin saka isasara." Nagsabi si Ḥudhayfah: "Hindi; bagkus wawasakin ito. Ang pintuang iyon ay [sumasagisag sa] isang lalaking papatayin o mamamatay." Ang binanggit ni Ḥudhayfah ay isang pabatid ng katapatang pinatotohanan. Ito ay hindi mula sa mga pahina ng mga Kitābīy[2] ni mula sa pagsusumikap ng isang may pananaw; bagkus mula sa ḥadīth ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).فوائد الحديث
Ang pagkapanganib ng mga pangkalahatang sigalot dahil sa nangyayari sa mga iyon na pagdanak ng mga dugo, pagkawala ng mga ari-arian, at paglaho ng katiwasayan.
Ang mga natatanging sigalot , kung ang mga iyon ay nauugnay sa Relihiyon, ang tagagawa ng mga iyon ay pinupulaan dahil ang mga iyon ay maaaring mga bid`ah o mga pagsuway; at kung ang mga ito ay nauugnay sa mga bagay-bagay na makamundo, ang mga iyon ay pagsusulit at pagsubok para sa tagagawa ng mga iyon. Ang kinakailangan sa kanya ang magtiis.
Ang puso ay naaapektuhan ng mga sigalot na nalalahad dito. Ang naituon [sa tama] ay ang sinumang pinatnubayan ni Allāh para sa katatagan sa patnubay.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nagsabi ang may-akda ng At-Taḥrīr: Ang kahulugan ng ḥadīth ay na ang lalaki, kapag sumunod sa pithaya niya at nakagawa ng mga pagsuway, ay papasukin ang puso niya ng isang kadiliman dahil sa bawat pagsuway na ginagawa niya. Kapag siya ay naging gayon, sisigalutin siya at maglalaho sa kanya ang liwanag ng Islām. Ang puso tulad ng saro. Kapag nataob ito, mabubuhos ang narito at walang papasok dito na anuman matapos niyon.
Ang sabi ni `Umar kay Ḥudhayfah: "Wala sa ama, bagkus ukol sa iyo!" ay nangangahulugang: Magseryoso ka sa bagay na ito, magsimula ka, at magpakahanda nang pagpapakahanda ng isang walang nakikipagtulungan.
Ang kainaman ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) at na siya ay isang pintuang isinara sa pagitan ng mga tao at sigalot.
التصنيفات
Ang Pagpula sa Pithaya at mga Nasa