إعدادات العرض
Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae
Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae
Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi titingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki, ni ang babae sa kahubaran ng babae. Hindi tatabi ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot, ni tatabi ang babae sa babae sa iisang kumot."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português Svenska ગુજરાતી Yorùbá Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Čeština नेपाली Română Nederlands Soomaali తెలుగు Српски മലയാളം Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof Magyar ქართული Moore Українська Македонски Azərbaycan አማርኛ Malagasy Shqip Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na tumingin ang lalaki sa kahubaran ng lalaki o tumingin ang babae sa kahubaran ng babae. Ang kahubaran (`awrah) ay ang bawat ikahihiya kapag nalantad. Ang kahubaran ng lalaki ay ang nasa pagitan ng pusod niya at tuhod niya. Ang babae sa kabuuan niya ay kahubaran kaugnay sa mga lalaking estranghero. Kaugnay sa mga babae at mga maḥram niya, tunay na siya ay makapaglalantad ng nalalantad sa karaniwan sa sandali ng trabaho niya sa bahay. Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na makisukob ang lalaki sa lalaki sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad o makisukob ang babae sa babae sa iisang kumot o sa ilalim ng iisang panakip habang mga nakahubad dahil iyon ay maaaring mauwi sa pagkasaling ng bawat isa sa kanilang dalawa sa kahubaran ng kasamahan niya. Ang pagsaling ng `awrah ay sinasaway gaya ng pagtingin dito, bagkus ito ay higit na matindi sa pagkasaway dahil nauuwi iyon sa mga katiwaliang higit na malaki.فوائد الحديث
Ang pagsaway laban sa pagtingin sa mga kahubaran maliban sa mag-asawa.
Ang pagsisigasig ng Islām sa kadalisayan ng lipunan at pagsasara sa mga daang nauuwi sa mga kahalayan.
Ang pagpayag sa pagtingin sa kahubaran kapag nanawagan ang pangangailangan doon gaya ng pagpapadoktor at tulad nito sa kundisyon na ito ay walang pagnanasa.
Ang Muslim ay inuutusan na magtakip ng kahubaran niya at magbaba ng paningin niya palayo sa kahubaran ng iba.
Itinangi ang pagsaway sa mga lalaki kasama ng mga lalaki at sa mga babae kasama ng mga babae dahil ito ay higit na mapag-anyaya sa pagtingin at paglalantad ng mga kahubaran.