{May tatlong oras na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa atin na magdasal tayo sa mga ito o maglibing tayo sa mga ito ng mga patay natin

{May tatlong oras na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa atin na magdasal tayo sa mga ito o maglibing tayo sa mga ito ng mga patay natin

Ayon kay `Uqbah bin `Āmir Al-Juhanīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May tatlong oras na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumaway sa atin na magdasal tayo sa mga ito o maglibing tayo sa mga ito ng mga patay natin: Kapag lumalabas ang araw habang sumisikat hanggang sa makaangat ito, kapag sumasapit ang kalagitnaan ng tanghali hanggang sa kumiling ang araw, at kapag humihilig ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tatlong oras mula sa maghapon na dasalin sa mga ito ang ṣalāh ng pagkukusang-loob o ilibing at ibaon sa mga ito ang mga patay: Ang Unang Oras: Kapag lumalabas ang araw habang sumisikat. Iyon ay sandali ng simula ng paglabas nito hanggang sa makaangat ito sa sukat na isang sibat, na tinatayang 15 minuto humigit-kumulang [mula ng pagsikat]. Ang Ikalawang Oras: Kapag pumapagitna ang araw sa kalagitnaan ng langit kaya hindi ito magkakaroon ng anino sa dako ng silangan o kanluran hanggang sa lumihis palayo sa gitna ng langit at lumitaw ang anino mula sa dako ng silangan kung kailan nagsisimula ang ṣalāh na ḍ̆uhr. Ito ay isang maikling sandali, na kasingtagal ng limang minuto humigit-kumulang. Ang Ikatlong Oras: Kapag kumikiling at nagsisimula ang araw sa paglubog hanggang sa lumubog.

فوائد الحديث

Ang mga oras na sinasaway ang pagsasagawa ng ṣalāh sa mga ito gaya ng ipinatunay ng ḥadīth na ito at mga iba pang ḥadīth ay una: matapos ng ṣalāh na fajr hanggang sa pagkasikat ng araw; ikalawa: sa sandali ng pagkasikat ng araw hanggang sa makaangat ito sa sukat na isang sibat sa paningin ng mata, ibig sabihin: sa tagal na 15 minuto humigit-kumulang [magmula ng pagsikat]; ikatlo: kapag sumasapit ang kalagitnaan ng tanghali hanggang sa lumihis ang araw, kapag walang natitira para sa kalagitnaan ng tanghali na isang anino sa silangan ni sa kanluran, na tinataya ng ilan sa tagal na limang minuto humigit-kumulang; ikaapat: matapos ng ṣalāh na `aṣr hanggang sa lumubog ang araw; at ikalima sa sandali ng paninilaw-nilaw ng araw hanggang sa lumubog ito.

Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa limang oras na sinasaway na, itinatangi rito ang mga tungkuling ṣalāh at ang mga ṣalāh na may mga kadahilanan.

Ang pagsaway laban sa pananadya sa pagpapahuli ng paglilibing hanggang sa tatlong gahol na oras na nabanggit sa ḥadīth at ang pagpayag dito sa alinmang oras sa gabi o maghapon.

Ang kasanhian sa pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa mga oras na ito: Ang pangunahing panuntunan ay na ang Muslim ay sumusuko sa mga ipinag-uutos ni Allāh at umiiwas sa mga sinasaway Niya bilang pagpapakamananamba sa Kanya. Hindi siya tumitigil-tigil sa pagpapakamananamba nang sa gayon makabatid siya sa kasanhian o kadahilanan ng pag-uutos ng ganito o ng pagsaway ng gayon; bagkus kailangan sa kanya na magpaakay. Nasaad nga sa mga iba pang ḥadīth ang kahatulan kaugnay roon: Una: na sa oras ng tanghali ilang sandali bago ng paglihis ng araw sa katanghaliang-tapat, nagpapaningas dito sa Jahannam ng isang malakas na ningas; ikalawa: hinggil naman sa kasanhian ng pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa sandali ng pagsikat ng araw at sa sandali ng paglubog nito, ito ay ang pakikipagwangis sa mga tagapagtambal sapagkat tunay na sila ay nagpapatirapa sa araw sa sandali ng pagsikat nito at sa sandali ng paglubog nito; ikatlo: hinggil naman sa pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh matapos ng ṣalāh na fajr hanggang sa pagsikat ng araw at matapos ng ṣalāh na `aṣr hanggang sa paglubog ng araw, ito ay bahagi ng pagpinid ng pintuan ng maidadahi-dahilan nang sa gayon maputol ang kawangis sa mga tagatangging sumampalataya at hindi magpapakawangis sa kanila ang Muslim sa shirk nila sapagkat tunay na sila ay nagpapatirapa sa araw sa sandali ng pagsikat nito at paglubog nito.

التصنيفات

Ang mga Oras ng Pagbabawal sa Ṣalāh