Sinuman ang mag-alaga ng aso-maliban sa aso na ginagamit sa pangangaso,o sa pagbabantay ng mga alagang hayop-ay mababawasan ang gantimpala niya ng dalawang Qirāt sa Araw-araw

Sinuman ang mag-alaga ng aso-maliban sa aso na ginagamit sa pangangaso,o sa pagbabantay ng mga alagang hayop-ay mababawasan ang gantimpala niya ng dalawang Qirāt sa Araw-araw

Ayon kay 'Abdullah bin 'Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu:(( Sinuman ang mag-alaga ng aso-maliban sa aso na ginagamit sa pangangaso,o sa pagbabantay ng mga alagang hayop-ay mababawasan ang gantimpala niya ng dalawang Qirāt sa Araw-araw.)) Nagsabi si Sālim: At si Abē Hurayrah ay nagsasabing: (( O asong [nagbabantay] ng taniman), at siya ay nagmamay-ari ng taniman.

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Ang aso ay kabilang sa mga hayop na mabangis at marumi,Dahil dito, ipinagbawal ng Dalisay at marangal na batas ng Islam ang pag-aalaga rito dahil tinataglay nitong kapinsalaan at kasiraan;mula sa paglalayo ng mga marangal na mga Anghel at masunurin,sa bahay na mayroon ito.At dahil sa ito ay katakot-takot at nakakasindak,marumi at nakakasira.at dahil sa ang nag-aalaga rito ay itinuturing na isang hangal.At sinuman ang mag-aalaga nito ay mababawasan ang gantimpala nito araw-araw,ng malaking bawas,at ihinalintulad ang kahulugan nito sa dalawang Qirat,at tanging si Allah lamang ang nakakaalam ng sukat nito,Dahil sinuway niya si Allah dahil sa pag-aalaga rito at pagpapatuloy niya sa gawaing ito.Ngunit kapag ito ay kinakailangan,ipinapahintulot ang pag-aalaga nito sa tatlong bagay: Una:Pagbabantay sa mga tupa,kung saan ay kinatatakutan niya rito ang lobo o mga magnanakaw.Ikalawa:Pagbabantay sa mga taniman o sakahan ,Ikatlo: Kapag ang intensiyon niya rito ay gamitin sa pangangaso,At sa mga pakikinabang na ito,ay napapawalang-sala ang nag-aalaga nito,at natatanggal ang pagbibigay babala sa may-ari nito.

التصنيفات

Ang Pangangaso at Pangingisda