إعدادات العرض
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsasabi ng: "Ya muqalliba –lqulūbi, thabbit qalbī `alā dīnik. (O Tagapagbagu-bago ng mga puso, patatagin Mo ang puso ko sa Relihiyon Mo.)" Kaya nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, sumampalataya kami sa iyo at sa inihatid mo; kaya nangangamba ka po ba para sa amin?" Nagsabi siya: "Oo; tunay na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Kurdî Kiswahili Português አማርኛ অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands नेपाली پښتو Hausa ไทย Svenska മലയാളം Кыргызча Română Oromoo తెలుగు Malagasy ಕನ್ನಡ Српскиالشرح
Ang pinakamadalas na panalangin ng Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang paghiling kay Allāh ng katatagan sa Relihiyon, ang pagtalima, at ang paglayo sa kalikuan at pagkaligaw. Kaya nagulat si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya) sa pagpapadalas ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panalanging ito. Nagpabatid naman sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga puso ay nasa pagitan ng dalawang daliri mula sa mga daliri ni Allāh, na nagbabagu-bago Siya ng mga ito kung papaano Niyang niloloob. Ang puso ay ang kinalalagyan ng pananampalataya at kawalang-pananampalataya. Tinawag nga ang puso bilang puso (qalb) dahil sa dalas ng pagpapabagu-bago nito. Ito ay higit na matindi sa pagbabago kaysa sa kaldero kapag tumindi ito sa kulo. Kaya ang sinumang niloob ni Allāh, magpapanatili Siya ng puso nito sa patnubay at magpapatatag Siya rito sa Relihiyon. Ang sinumang niloob ni Allāh, magbabaling Siya ng puso nito palayo sa patnubay patungo sa kalikuan at pagkaligaw.فوائد الحديث
Ang kataimtiman ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Panginoon niya, ang pagsusumamo niya sa Kanya, ang paggabay sa Kalipunang Islām tungo sa paghiling niyon.
Ang kahalagahan ng pagpapakatuwid at pagpapakatatag sa Relihiyong Islām at na ang isinasaalang-alang ay nasa pangwakas na lagay.
Ang tao ay hindi makapagwawalang-bahala sa pagpapatatag ni Allāh sa kanya sa Islām nang isang kisap-mata.
Ang paghimok sa pagpapadalas ng pagdalanging ito bilang pagtulad sa Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga).
Ang katatagan sa Islām ay ang pinakadakilang biyaya na nararapat sa tao na magpunyagi rito at magpasalamat sa Mapagtangkilik sa kanya dahil rito.