إعدادات العرض
"Kumain kami ng saḥūr kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay tumindig siya papunta sa dasal." Nagsabi si Anas: "Nagsabi ako kay Zayd: Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr? Nagsabi siya: Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."

Ayon kina Anas bin Mālik at Zayd bin Thābit, malugod si Allah sa kanilang dalawa, na nagsabi: "Kumain kami ng saḥūr kasama ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Pagkatapos ay tumindig siya papunta sa dasal." Nagsabi si Anas: "Nagsabi ako kay Zayd: Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr? Nagsabi siya: Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français Tiếng Việt සිංහල Hausa Português Kurdî Русский Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતીالشرح
Ipinababatid ni Zayd bin Thābit, malugod si Allah sa kanya, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, noong nakakain ng saḥūr, ay tumindig patungo sa pagdarasal sa madaling-araw. Nagtanong si Anas kay Zayd: "Gaano katagal sa pagitan ng adhān at saḥūr?" Nagsabi siya: "Singtagal [ng pagbigkas] ng limampung talata [ng Qur'ān]." Ang hayag ay na ang pagtataya ay mula sa mga talatang katamtam ang haba, na nasa pagitan ng napakahaba gaya ng nasa huling bahagi ng Kabanata Al-Baqarah at unang bahagi ng Kabanata Al-Mā'idah at ng napakaikli gaya ng nasa mga Kabanata Ash-Shu`arā', Aṣ-Ṣāffāt, Al-Wāqi`ah, at anumang nakawangis niyon.التصنيفات
Ang mga Sunnah ng Pag-aayuno