إعدادات العرض
Panghawakan ninyo ang kapahintulutan ni Allāh na ipinahintulot Niya para sa inyo.
Panghawakan ninyo ang kapahintulutan ni Allāh na ipinahintulot Niya para sa inyo.
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanilang dalawa, na nagsabi: Ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nasa isang paglalakbay noon at nakakita siya ng isang umpukan at isang lalaking nililiman na kaya nagsabi siya: "Ano ito?" Nagsabi sila: "Nag-aayuno po." Nagsabi siya: "Hindi bahagi ng pagpapakabuti ang pag-aayuno sa paglalakbay." Sa isang pananalita ng Ṣaḥīḥ Muslim: "Panghawakan ninyo ang kapahintulutan ni Allāh na ipinahintulot Niya para sa inyo."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Русскийالشرح
Nagpapabatid si Jābir bin `Abdillāh, malugod si Allāh sa kanya, na noon ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nasa paglalakbay niya nang taon ng pagsakop sa Makkah sa Ramaḍān at nakakita ng mga tao taong nag-uumpukan at isang lalaking nililiman at nakahiga, gaya ng sa sanaysay ni Ibnu Jarīr. Tinanong niya sila hinggil sa kalagayan nito. Nagsabi sila na ito ay nag-aayuno at inihantong ito ng pagkauhaw sa ganitong hanggan. Nagsabi ang Propetang maawain at mapagbigay, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: Tunay na ang pag-aayuno sa paglalakbay ay hindi bahagi ng pagpapakabuti subalit panghawakan ninyo ang kapahintulutan ni Allāh na ipinahintulot Niya para sa inyo sapagkat Siya ay hindi nagnais mula sa inyo sa pagsamba sa Kanya ng pagpaparusa sa mga sarili ninyo." Taysīr Al-`Allām pahina 327, Tanbīh Al-Afhām tomo 3/434, at Ta’sīs Al-Aḥkām 3/244.