إعدادات العرض
Sinuman ang nakalimot na siya ay nag-aayuno,nakakain siya naka-inom,ipagpatuloy niya ang pag-aayuno niya,dahil ang nagpakain at nagpa-inom sa kanya ay si Allah
Sinuman ang nakalimot na siya ay nag-aayuno,nakakain siya naka-inom,ipagpatuloy niya ang pag-aayuno niya,dahil ang nagpakain at nagpa-inom sa kanya ay si Allah
Ayon kay Abe Hurayrah, malugod si Allah sa kanya-Hadith na marfu: ((Sinuman ang nakalimot na siya ay nag-aayuno,nakakain siya naka-inom,ipagpatuloy niya ang pag-aayuno niya,dahil ang nagpakain at nagpa-inom sa kanya ay si Allah))
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî සිංහල Kiswahili Tiếng Việt অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands አማርኛ മലയാളം ไทย Românăالشرح
Ginawa ang Batas ng Islam para sa pagpapagaan at kadalian.At ang mga tungkulin ay batay lamang sa kakayahan,at hindi pagparusa sa anumang bagay na labas sa kakayahan o hindi niya kagustuhan. Kabilang rito: Ang sinuman ang nakakain o nakainom o nakagawa ng mga bagay na nakakasira [sa pag-aayuno] maliban rito,sa araw ng Ramadhan,o bukod rito mula sa [mga araw] ng pag-aayuno,ay ipagpapatuloy nito ang pag-aayuno niya dahil ito ay tama,dahil ang [paggawa niya sa mga bagay na ito] ay hindi niya kagustuhan;Anumang bagay ang magawa ng tao dahil sa pagkalimot at hindi niya intensiyon,ito ay hindi nakakasira sa pag-aayuno niya,at hindi nakakaapekto rito;dahil ang mga ito ay nagmula kay Allah;Siya ang nagpakain at nagpainom sa kanyaالتصنيفات
Ang mga Nakasisira sa Pag-aayuno