Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}

Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hanapin ninyo ang Gabi ng Pagtatakda sa gansal [na petsa] mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagsusumikap sa paghahanap, paghahangad, at paghiling na matapos sa Gabi ng Pagtatakda sa pamamagitan ng pagpaparami ng maayos na gawa. Ito ay higit na maaasahan na maging nasa mga gabing gansal ang petsa mula sa huling sampung gabi ng Ramaḍān bawat taon. Ang mga petsang ito ay ang ika-21, ang ika-23, ang ika-25, ang ika-27, at ang ika-29.

فوائد الحديث

Ang kalamangan ng Gabi ng Pagtatakda at ang paghimok sa paghahanap nito.

Bahagi ng karunungan ni Allāh at awa Niya na nagkubli Siya ng gabing ito upang magseryoso ang mga tao sa pagsamba dala ng paghahangad dito, kaya naman darami ang gantimpala nila.

Ang Gabi ng Pagtatakda ay nasa huling sampung gabi ng Ramaḍān at ang mga petsang gansal mula rito ay higit na maaasahan.

Ang Gabi ng Pagtatakda ay isa sa huling sampung gabi ng Ramaḍān. Ito ang gabi na nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng Marangal na Qur'ān sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Gumawa Siya sa gabing ito bilang higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan sa pagpapala nito, kadakilaan ng halaga nito, at epekto ng maayos na gawa rito.

Tinawag na gayon ang Laylatul Qadr (Gabi ng Pagtatakda) na may d na walang patinig maaaring dahil sa karangalan kaya sinasabi: "Fulānu `aḍ̆īmul qadr (Si Polano ay dakila sa halaga)" kaya naman ang pagkakaugnay ng gabi ay bahagi ng pagkakaugnay ng bagay sa pang-uri nito: ang marangal na gabi. Nangangahulugan ito na ang gabing ito ay dakila sa halaga sa karangalan, sa karingalan, sa katayuan, at sa iba pa (Qur'an 44:3): {tunay na Kami ay nagpababa nito sa isang gabing biniyayaan. Tunay na Kami ay laging Tagapagbabala.} Maaari ring dahil sa pagtatakda kaya naman ang pagkakaugnay ng gabi dito ay bahagi ng pagkakaugnay ng lalagyan sa nilalaman nito: ang gabing ito na magiging narito ang pagtatakda ng mangyayari sa taon (Qur'an 44:4): {Sa [gabing] ito pinagpapasyahan ang bawat usaping tumpak,}

التصنيفات

Ang Sampung Huling Araw ng Ramaḍān