Ang pagsamba sa panahon ng ligalig ay gaya ng paglikas patungo sa akin."}

Ang pagsamba sa panahon ng ligalig ay gaya ng paglikas patungo sa akin."}

Ayon kay Ma`qil bin Yasār (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang pagsamba sa panahon ng ligalig ay gaya ng paglikas patungo sa akin."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa panahon ng ligalig, sigalot, patayan, at pagkalito ng mga lagay ng mga tao tungo sa pagsamba at pangungunyapit dito at na ang pabuya rito ay gaya ng paglikas patungo sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Iyon ay dahil ang mga tao ay nalilingat dito, nagpapakaabala palayo rito, at walang naglalaan ng sarili para rito kundi iilan.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagsamba at pagtuon kay Allāh (napakataas Siya) sa mga panahon ng mga sigalot bilang pagpapakasanggalang laban sa mga sigalot at bilang pag-iingat laban sa kaguluhan.

Ang paglilinaw sa kainaman ng pagsamba sa sandali ng mga sigalot at mga panahon ng pagkalingat.

Nararapat sa Muslim ang paglayo sa mga pinagmumulan ng mga sigalot at pagkalingat.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Gawang Maayos