Hindi kabilang sa atin ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway

Hindi kabilang sa atin ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway

Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi kabilang sa atin ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o nagpagaway. Ang sinumang nagbuhol [saka umihip dito] at ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka naniwala sa sinasabi nito ay tumanggi ngang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)."}

[Maganda] [Isinaysay ito ni Al-Bazar]

الشرح

Nagbanta ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang gumawa kabilang sa Kalipunan niya ng ilan sa mga gawain sa pamamagitan ng sabi niya: "Hindi kabilang sa atin." Kabilang sa mga ito: A. "ang sinumang nag-ugnay ng kamalasan o nagpaugnay ng kamalasan". Ang orihinal na kahulugan nito ay ang pagpapawala ng ibon sa sandali ng pagsisimula sa isang gawain gaya ng paglalakbay o pangangalakal o iba pa rito. Kung lumipad ito sa dakong kanan, magmamabuti siya ng palagay at magpapatuloy sa anumang ninanais niya. Kung lumipad naman ito sa dakong kaliwa, magmamasama siya ng palagay at magpipigil sa anumang ninanais niya. Kaya naman hindi pinapayagan ang paggawa nito sa pamamagitan ng sarili niya o ang pag-aatang sa sinumang gagawa nito para sa kanya. Napaloloob doon ang pagmamasama ng palagay sa alinmang bagay, naririnig man o nakikita, gaya ng mga ibon o mga hayop o mga may kapansanan o mga numero o mga araw o iba pa rito. B. "ang sinumang "nanghula o nagpahula". Kaya ang sinumang nag-angkin ng kaalaman sa nakalingid (ghayb) sa pamamagitan ng paggamit ng mga bituin at iba pa o ng pagpunta sa sinumang nag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid gaya ng manghuhula at tulad nito saka naniniwala rito sa sinasabi nito sa pag-aangkin nito ng kaalaman sa nakalingid, tumanggi nga siyang sumampalataya sa pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). C. "ang sinumang nanggaway o nagpagaway". Ito ay ang sinumang gumawa ng panggagaway (karunungang itim) sa pamamagitan ng sarili niya o nag-atang sa sinumang gagawa para sa kanya ng panggagaway upang magpakinabang sa pamamagitan nito sa isa o maminsala rito, o nagbuhol ng isang buhol sa pamamagitan ng pagtatali ng sinulid at paggaway rito sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga panalanging ipinagbabawal at pag-ihip dito.

فوائد الحديث

Ang pagkakinakailangan ng pananalig kay Allāh at pananampalataya sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya. Ang pagbabawal sa pag-uugnay ng kamalasan, pesimismo, panggagaway, panghuhula, o paghiling na iyon sa mga tagagawa ng mga ito.

Ang pag-aangkin ng kaalaman sa nakalingid ay bahagi ng Shirk na nakikisalungat sa Tawḥīd.

Ang pagbabawal sa paniniwala sa mga manghuhula at pagpunta sa kanila. Napabibilang doon ang tinatawag na Panghihimalad (Palmistry), ang pagbasa ng tasa (Tasseography), ang Astrolohiya, at ang pagtingin sa mga ito, kahit dala lamang ng pag-uusisa.

التصنيفات

Ang mga Nakasisira sa Islām, Ang mga Usapin Kaugnay sa Panahon ng Kamangmangan