إعدادات العرض
{Ang Propeta (s), noong nagtalaga ito sa kanya sa Yemen, ay nag-utos sa kanya na kumuha [bilang zakāh] mula sa mga baka, na sa bawat tatlumpu ay isang lalaking tabī` o isang babaing tabī`
{Ang Propeta (s), noong nagtalaga ito sa kanya sa Yemen, ay nag-utos sa kanya na kumuha [bilang zakāh] mula sa mga baka, na sa bawat tatlumpu ay isang lalaking tabī` o isang babaing tabī`
Ayon kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Propeta (s), noong nagtalaga ito sa kanya sa Yemen, ay nag-utos sa kanya na kumuha [bilang zakāh] mula sa mga baka, na sa bawat tatlumpu ay isang lalaking tabī` o isang babaing tabī` at sa bawat apatnapu isang isang musinnah; at mula sa bawat adulto ay isang dinar o katumbas nito na mu`āfir, na mga damit sa Yemen.}
[Tumpak sa pamamagitan ng mga patotoo nito] [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه وأحمد]
الترجمة
العربية Bosanski English فارسی Français Русский हिन्दी 中文 Bahasa Indonesia اردو Kurdî Português دری Македонски Tiếng Việt Magyar ქართული বাংলা ไทย অসমীয়া Hausa Nederlands ਪੰਜਾਬੀ Kiswahili ગુજરાતીالشرح
Nagpadala ang Propeta (s) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Yemen para magturo sa mga tao at mag-anyaya sa kanila. Kabilang sa ipinag-utos sa kanya na kumuha siya mula sa mga Muslim ng zakāh ng mga baka nila, na sa bawat tatlumpung baka ay kukuha siya ng isang lalaking guya o isang babaing guya, na nalubos sa isang taong gulang; at sa bawat apatnapung baka ay kukuha siya ng isang bakang musinnah, na nalubos sa dalawang taong gulang; na kumuha siya ng jizyah mula sa mga May Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano, na para sa bawat lalaking adulto ay isang dinar o nakapapantay sa isang dinar mula mga damit na Yemen, na tinatawag na mu`āfir.فوائد الحديث
Ang jizyah ay hindi kinukuha kundi mula sa sinumang tumuntong na sa pagkaadulot dahil ang tuntunin ng hindi kinukunan nito ay ang hindi pinapayagan patayin kapag nabihag gaya ng bata, babae, at iba pa sa dalawang ito.
التصنيفات
Ang Zakāh ng mga Hayupan