Bagkus magsabi kayo (Qur'an 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}

Bagkus magsabi kayo (Qur'an 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Noong bumaba sa Sugo ni Allah (s) [ang talata (Qur'an 2:284)]: {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa. Kung maglalantad kayo ng nasa mga sarili ninyo o magkukubli kayo nito, magtutuos sa inyo nito si Allāh, saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.}, tumindi iyon sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allah (s). Kaya pumunta sila sa Sugo ni Allah (s), pagkatapos lumuhod sila sa mga tuhod saka nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, inatangan kami ng mga gawain na hindi namin nakakayanan: ang pagdarasal, ang pag-aayuno, ang pakikibka, at ang pagkakawanggawa. Ibinaba nga sa iyo ang talatang ito at hindi namin nakakayanan ito." Nagsabi ang Sugo ni Allah (s): "Nagnanais ba kayo na magsabi kayo ng gaya ng sinabi ng [dalawang pangkat ng] mga May Kasulatan bago pa ninyo: {Nakarinig kami at sumuway kami.}? Bagkus magsabi kayo (Qur'an 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}" Nagsabi naman sila (Qur'an 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.} Noong bumigkas nito ang mga tao, umamo dahil dito ang mga dila nila saka nagpababa si Allah kasunod agad nito (Qur'an 2:285): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din]. Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan."} Noong nagawa nila iyon, nagpawalang-bisa nito si Allah saka nagpababa si Allah - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - (Qur'an 2:286): {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito. Ukol dito ang kinamit nito at laban dito ang nakamit nito. Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin kung nakalimot kami o nagkamali kami.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'an 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin.} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'an 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon.} Nagsabi naman siya: "Oo."} Nagsabi naman Siya: "Oo." [Sinabi (Qur'an 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin; Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.} Nagsabi naman Siya: "Oo."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Noong nagpababa si Allah (t) sa Propeta Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) ng sabi Niya (Qur'an 2:284): {Sa kay Allāh ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa} sa paglikha, sa paghahari, sa pamamatnugot, at sa pangangasiwa. {Kung maglalantad kayo,} magpapalitaw kayo, at maghahagayag kayo {ng nasa mga sarili ninyo} at mga dibdib ninyo {o magkukubli kayo nito} saka magtatakip kayo nito at maglilingid kayo nito sa mga puso ninyo, {magtutuos sa inyo nito si Allāh} sa Araw ng Pagbangon, {saka magpapatawad Siya sa sinumang niloloob Niya} dahil sa kabutihang-loob Niya at awa Niya {at magpaparusa Siya sa sinumang niloloob Niya} dahil sa katarungan Niya. Noong nakarnig nito ang mga Kasamahan, humirap sa kanila iyon dahila nasaad dito ang paninisa pati sa nasa puso na mga hinagap. Kaya pumunta sila sa Sugo ni Allah (s), pagkatapos lumuhod sila nang nakadiit sa mga tuhod saka nagsabi sila: "O Sugo ni Allah, iniatangan kami bago niyon ng mga gawaing pangkatawang hindi kami nakakakaya sa pagsasagawa tulad ng pagdarasal, pag-aayuno, pakikibaka, at pagkakawanggawa subalit ibinaba nga sa iyo ang talatang ito at hindi namin nakakayanan ito." Kaya nagsabi sa kanila ang Propeta (s): "Nagnanais ba kayo na magsabi kayo ng gaya ng sinabi ng [dalawang pangkat ng] mga May Kasulatan bago pa ninyo: {Nakarinig kami at sumuway kami.}? Bagkus magsabi kayo (Qur'an 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.}" Tumugon naman ang mga Kasamahan sa utos ni Allah at ng Sugo Niya sapagat nagsabi sila (Qur'an 2:285): {Nakarinig kami at tumalima kami. [Humihingi kami ng] pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo ang kahahantungan.} Noong bumigkas nito ang mga Muslim, nagpaakay para rito ang mga sarili nila. Nagpababa si Allah bilang pagpapabusilak sa Propeta at Kalipunan nito sa pamamagitan ng sabi Niya (Qur'an 2:285): {Sumampalataya ang Sugo sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din].} Nagpaakay ang mga dila nila at ang mga puso nila sa utos ni Allah. [Sinabi (Qur'an 2:285):] {Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa man sa mga sugo Niya."} Bagkus sumasampalataya kami sa kanila sa kabuuan nila. [Sinabi (Qur'an 2:285):] {Nagsabi sila: "Nakarinig kami} sa sabi Mo {at tumalima kami} sa utos at humihingi kami ng {pagpapatawad Mo, Panginoon namin,} at pagpapaumanhin Mo. {Tungo sa Iyo ang kahahantungan} at ang uuwian sa Araw na sasapit ang pagtutuos. Noong nagawa nila iyon at sinabi nila ang ipinag-utos sa kanila sa sabi ni Allah na paglalantad ng pagdinig at pagtalima sa mga utos Niya, nagpagaan Siya para sa Kalipunang ito at nagpawalang-bisa Siya ng talatang ito sa sabi Niya (Qur'an 2:286): {Hindi nag-aatang si Allāh sa isang kaluluwa malibang ayon sa kaya nito,} kapangayarihan nito, lakas nito, at pagsisikap nito. {Ukol dito ang} gantimpala ng {kinamit nito} at ginawa nito na kabutihan {at laban dito ang} parusa ng {nakamit nito} na pabigat at kasalanan. Hindi magpapanagot si Allah sa isa man dahil sa pagkakasala ng iba at dahil sa anumang isinulsol dito ng sarili nito. {Panginoon namin, huwag Kang magpanagot sa amin} at magparusa sa amin {kung nakalimot kami} sapagkat hindi kami nakapagsaalaala {o nagkamali kami} kaya naiwan namin ang tama, hindi dala ng pananadya. Tumugon naman si Allah sa kanila roon sapagkat nagsabi Siya: "Oo. Ginawa Ko nga." X [Sinabi (Qur'an 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpabuhat sa amin ng isang pabigat na gaya ng ipinabuhat Mo sa mga bago pa namin.} Nagsabi naman siya: "Oo." [Sinabi (Qur'an 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon.} Nagsabi naman siya: "Oo."} Nagsabi naman siya: "Oo." [Sinabi (Qur'an 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin, magpatawad Ka sa amin, at maawa Ka sa amin; Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin, kaya mag-adya Ka sa amin laban sa mga taong tagatangging sumampalataya.} Nagsabi naman siya: "Oo."} [Sinabi (Qur'an 2:286):] {Panginoon namin, huwag Kang magpapasan sa amin ng anumang wala kaming lakas doon} kabilang sa mga tungkuling iniatang at mga bagay-bagay na nawawalang-kakayahan kami sa pagpasan ng mga ito. Nagsabi naman si Allah: "Oo. Ginawa Ko nga." [Sinabi (Qur'an 2:286):] { Magpaumanhin Ka sa amin} ng mga pagkakasala namin at magpawi Ka ng mga ito sa amin, {magpatawad Ka sa amin} ng mga pagkakasala namin, magtakip Ka ng mga ito sa amin, magpalampas Ka ngmga ito {at maawa Ka sa amin} sa pamamagitan ng malawak na awa Mo; {Ikaw ay Mapagtangkilik sa amin} at Pinapanginoo namin, {kaya mag-adya Ka sa amin} sa pamamagitan ng paglalatag ng katwiran at pananaig {laban sa mga taong tagatangging sumampalataya} sa pakikipaglaban sa kanila at pakikibaka sa kanila. Kaya tumugon naman si Allah saka nagsabi Siya: "Oo. Ginawa Ko nga."

فوائد الحديث

Ang paglilinaw sa awa ni Allah sa Kalipunang ito dahilan sa Propeta nito (basbasan ito ni Allah at pangalagaan), na nagsabi si Allah kaugnay sa pagdakila sa pumapatungkol dito (Qur'an 21:107): {Hindi Kami nagsugo sa iyo kundi bilang awa para sa mga nilalalang.}

Ang pagpapatibay sa pagpapawalang-bisa [sa ilang talata] sa Marangal na Qur'an at na may bahagi ng Qur'an na binibigkas subalit pinawalang-bisa ang kahatulan nito kaya hindi ito isinasagawa.

Ang kainaman ng mga Kasamahan (malugod si Allah sa kanila), ang pagpapasailalim nila at ang pagpapasakop nila sa utos ni Allah, at ang pagsunod nila sa utos ng Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan).

Ang taglay ng Propeta (s) na katindihan ng pangamba niya para sa Kalipunan niya na tumahak ito sa tinahakan ng mga naunang kalipunan sa pagtutol sa anumang ginawa nila sa mga utos ni Allah (t).

Ang pagkakinakailangan ng pagpapasakop sa utos ni Allah (t) at ang pag-iingat laban sa pagtutol sa utos Niya at na ito ay may pakikipagwangis sa mga May Kasulatan.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng mga Kabanata at mga Talata ng Qur'ān