Ang sinumang nagsabi ng: "Lā ilāha illa ­-llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu ­-lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay…

Ang sinumang nagsabi ng: "Lā ilāha illa ­-llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu ­-lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" sa isang araw nang isang daang ulit,

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng: "Lā ilāha illa ­-llāhu waḥdahu lā sharīka lah. Lahu ­-lmulku wa-lahu -lḥamd. Wa-huwa `alā kulli shay'in qadīr. (Walang Diyos kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya. Ukol sa Kanya ang paghahari at ukol sa Kanya ang papuri. Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan.)" sa isang araw nang isang daang ulit, may magiging ukol sa kanya na katumbas ng sampung pagpapalaya, may itatala para sa kanya na isang daang magandang gawa, may buburahin sa kanya na isang daang masagwang gawa, may magiging ukol sa kanya na isang pananggalang laban sa demonyo sa araw niyang iyon hanggang sa gumabi. Walang nakagawang isa man ng higit na mainam kaysa inihatid nito kundi isang gumawa ng higit na marami kaysa roon."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si ang sinumang nagsabi ng: "Walang Diyos" at walang sinasamba ayon sa karapatan "kundi si Allāh — tanging Siya: walang katambal sa Kanya" sa pagkadiyos Niya, pagkapanginoon Niya, at mga pangalan Niya at mga katangian Niya. "Ukol sa Kanya ang paghahari" at ang pamamatnugot at ang pangangasiwa sa kabuuan nito "at ukol sa Kanya ang papuri" sa lahat ng nililikha Niya at itinatakda Niya. "Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan" nang walang tagakontra at walang tagatutol. Ang anumang hindi Niya niloob ay hindi nangyayari. Ang sinumang nagsabi ng dhikr na ito sa isang araw at nag-ulit-ulit nito nang isang daang ulit, may itatala para sa kanya na pabuya mula kay Allāh gaya ng sa sinumang nagpalaya ng sampung tao kabilang sa mga alipin; may itatala para kanya dahil sa mga ito na isang daang mabuting gawa at antas sa Paraiso; may buburahin sa kanya at aalisin na isang daang masagwang gawa; may magiging ukol sa kanya na isang pananggalang, isang pangangalaga, isang panangga, at isang pantanggol laban sa demonyo, mga tagatulong nito, at paghahari nito sa araw niyang iyon hanggang sa sumapit ang gabi sa pagkalubog ng araw. Walang nakagawang isa man sa Araw ng Pagbangon ng higit na mainam kaysa inihatid nito kundi isang gumawa ng higit na marami kaysa roon at nagdagdag doon.

فوائد الحديث

Ang kainaman ng Pangungusap ng Tawḥīd ang bigat ng pabuya rito.

Ang lawak ng kabutihang-loob ni Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa mga lingkod Niya sa punto na nagsabatas Siya para sa kanila ng dhikr na pinagaan para sa isa nairesulta rito ang masaganang gantimpala.

Kung sakaling nagsabi siya ng tahlīl§ na ito nang higit sa isang daang ulit sa isang araw, magiging ukol sa kanya itong pabuyang nabanggit sa ḥadīth dahil sa isang daan. Magkakaroon siya ng iba pang gantimpala dahil sa pagkadagdag. Ito ay hindi kabilang sa mga hangganan na sinaway ang paglabag dito at ang paglampas sa mga bilang nito, ang pagkadagdag niyon ay walang kainaman doon o nagpapawalang-saysay roon.

Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang hayag sa pagkakatukoy ng ḥadīth ay na magtatamo nitong pabuyang nabanggit sa ḥadīth na ito ang sinumang nagsabi ng tahlīl na ito nang isang daang ulit sa araw niya, maging nagsabi man siya nito nang nagkakasunud-sunuran o nang nagkakahiwa-hiwalay sa mga pagkakataon o ng ilan sa mga ito sa simula ng maghapon at ng ilan sa mga ito sa wakas niyon subalit ang pinakamainam ay na magsagawa siya ng mga ito nang nagkakasunud-sunuran sa simula ng maghapon upang ito ay maging isang pananggalang para sa kanya sa buong maghapon niya.

التصنيفات

Ang mga Kainaman ng Dhikr, Ang mga Pakinabang ng Pag-alaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan