إعدادات العرض
Tunay na ang mga iyon ay magiging mga sigalot. Pansinin, pagkatapos may mangyayaring isang sigalot, na ang nakaupo roon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa tumatakbo papunta roon
Tunay na ang mga iyon ay magiging mga sigalot. Pansinin, pagkatapos may mangyayaring isang sigalot, na ang nakaupo roon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa tumatakbo papunta roon
Ayon kay `Uthmān Ash-Shaḥḥām na nagsabi: "Lumisan ako kasama si Farqad As-Sabakhīy papunta kay Muslim bin Abī Bakrah habang siya ay nasa lupain niya. Pumasok kami sa kanya saka nagsabi kami: Nakarinig ka ba sa ama mo na nagsasanaysay ng isang ḥadīth kaugnay sa mga sigalot? Nagsabi siya: Oo; nakarinig ako kay Abū Bakrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsasanaysay, na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ang mga iyon ay magiging mga sigalot. Pansinin, pagkatapos may mangyayaring isang sigalot, na ang nakaupo roon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa tumatakbo papunta roon. Pansinin, kaya kapag bumaba iyon o naganap iyon, ang sinumang nagkaroon ng mga kamelyo ay mamalagi siya sa mga kamelyo niya, ang sinumang nagkaroon ng mga tupa ay mamalagi siya sa mga tupa niya, at ang sinumang nagkaroon ng lupain ay mamalagi siya sa lupain niya." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa sinumang hindi nagkaroon ng mga kamelyo ni mga tupa ni lupain?" Nagsabi siya: "Tutungo siya sa tabak niya saka magpupukpok siya sa talim nito ng isang bato, pagkatapos tumakas siya kung nakaya niya ang pagtakas. O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako?" Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba kung pinilit ako hanggang sa nakapagpalisan sa akin papunta sa isa sa dalawang hanay o isa sa dalawang sigalot saka may tumaga sa akin na isang lalaki ng tabak niya o may tumamang isang palaso saka papatay ito sa akin?" Nagsabi siya: "Magdadala siya ng kasalanan niya at kasalanan mo. Siya ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."}
الترجمة
العربية Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Bahasa Indonesia Kiswahili Hausa සිංහල English ગુજરાતી Magyar ქართული Română Русский Português ไทย తెలుగు मराठी دری Türkçe አማርኛ বাংলা Kurdî Malagasy Македонскиالشرح
Nagtanong sina `Uthmān Ash-Shaḥḥām at Farqad As-Sabakhīy kay Muslim na anak ng Kasamahang kapita-pitagang si Abū Bakrah (malugod si Allāh dito) kung nakarinig ba siya mula sa ama niya ng isang ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa mga sigalot at pakikipaglaban na magaganap sa pagitan ng mga Muslim. Kaya nagsabi naman siya ng oo. Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga iyon ay magiging mga sigalot matapos ng pagkamatay niya. Ang sigalot na iyon, ang nakaupong nalilingat doon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon habang siya ay hindi tumatanaw niyon at naghahanap niyon; at ang naglalakad doon ay higit na mabuti kaysa sa nagmamabilis papunta roon habang naghahanap niyon at nakikilahok doon. Pagkatapos gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang bababaan o gaganapan ng sigalot sa panahon nito at piling niya. Kung nakatagpo ito ng isang madudulugan, magpakanlong siya roon. Ang sinumang nagkaroon ng mga kamelyong nanginginain ay mamalagi siya sa mga kamelyo niya. Ang sinumang nagkaroon ng mga tupang nanginginain ay mamalagi siya sa mga tupa niya. Ang sinumang nagkaroon ng lupain at taniman ay mamalagi siya sa lupain niya. Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba sa sinumang hindi nagkaroon ng isang kanlungan na mga kamelyo ni mga tupa ni lupain?" Nagsabi siya: "Tutungo siya sa tabak niya saka magpupukpok at manira siya nito, pagkatapos pumuslit siya at magtakas siya ng sarili niya at anak niya kung nakaya niya ang pagtakas." Pagkatapos nagpasaksi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Allāh nang makatatlo sapagkat nagsabi siya: "O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako? O Allāh, nakapagpaabot ba ako?" Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, nagsaalang-alang ka ba kung pinuwersa ako na makilahok ako sa isa sa dalawang hanay o isa sa dalawang sigalot saka may tumaga sa akin na isang lalaki ng tabak niya o may tumamang isang palaso saka papatay ito sa akin?" Nagsabi siya: "Magbabalik siya kalakip ng kasalanan ng sarili niya at kasalanan ng sinumang pinatay niya. Siya sa Araw ng Pagbangon ay magiging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno."فوائد الحديث
Ang pagpapabatid hinggil sa pagkaganap ng mga sigalot para magbigay-babala laban sa mga ito at upang magpakahanda ang mga tao para sa mga ito para hindi sila sumuong sa mga ito at humiling kay Allāh ng pagtitiis at kaligtasan mula sa kasamaan ng mga ito.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang sabi niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "ang nakaupo roon ay higit na mabuti kaysa sa naglalakad doon" hanggang sa katapusan nito [sa ibang salaysay] ay [may] may kahulugan ito na paglilinaw sa kabigatan ng panganib niyon, paghimok sa pag-iwas doon, pagpuslit mula roon, at na ang kasamaan niyon at sigalot niyon ay magiging alinsunod sa pagkahumaling doon.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Ang pagpawi ng kasalanan sa pinilit sa pagdalo roon. Hinggil naman sa pagpatay, hindi ito pinapayagan dahil sa pamimilit; bagkus nagkakasala ang pinilit sa ipinag-uutos sa kanya ayon sa ijmā` (pagkakabuklod ng hatol).
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: May nagsabing mga iba pa: Kapag may naghimagsik na isang pangkatin laban sa pinuno saka nagpigil ito sa kinakailangan dito at sumiklab ang digmaan, kakailanganin ang makipaglaban dito. Gayundin, kung sakaling may nagdigmaang dalawang pangkatin, kakailanganin sa bawat nakakaya ang pagkontra sa nasa mali at ang pag-aadya sa nasa tama. Ito ang sabi ng mayoriya. May nagdetalye na mga iba pa sapagkat nagsabi sila: "Ang bawat pakikipaglaban na naganap sa pagitan ng dalawang pangkatin ng mga Muslim kung saan walang pinuno sa pangkat, ang pakikipaglaban sa sandaling iyon ay ipinagbabawal." Nagbabaan ang mga ḥadīth na kaugnay sa paksang ito at iba pa dahil doon.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nagkaiba-iba ang mga maalam kaugnay sa pakikipaglaban sa sigalot. May nagsabing isang pangkatin: "Hindi siya makikipaglaban sa mga sigalot ng mga Muslim. Kung pumasok sila sa kanya sa bahay niya at humiling sila ng pagpatay sa kanya, hindi pinapayagan sa kanya ang magtanggol sa sarili niya dahil ang humihiling ay nabibigyang-pakahulugan." Ito ang doktrina ni Abū Bakrah na Kasamahan (malugod si Allāh sa kanya) at ng iba pa sa kanya. Nagsabi naman sina Ibnu `Umar at `Imrān bin Al-Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanila) at iba pa sa kanilang dalawa: "Hindi siya papasok doon subalit kung nagpakay siya ng pagtatangol sa sarili niya, ang dalawang doktrinang ito ay nagkakasang-ayon sa pagwaksi ng pagpasok sa lahat ng mga sigalot ng Islām. Nagsabi ang karamihan sa mga Kasamahan, mga Tagsunod, at pangkalahatan ng mga maalam sa Islām: "Kinakailangan ang pag-aadya sa nasa totoo sa mga sigalot at ang pagsasagawa kasama niya ng pakikipaglaban sa mga tagapaghimagsik gaya ng sinabi ni Allāh (Qur'ān 49:9): {kalabanin ninyo ang lumabag hanggang sa bumalik ito sa kautusan ni Allāh.} Ito ay ang tumpak." Nabibigyang-pakahulugan ang mga ḥadīth sa sinumang hindi lumitaw sa kanya ang nasa totoo o sa dalawang pangkating tagalabag sa katarungan na walang pagbibigay-pakahulugan para sa isa sa dalawa.
التصنيفات
Ang Paghihimagsik sa Pinuno