Hindi maghahagupit ang isa higit sa sampung paglatigo maliban sa isang takdang parusa mula sa mga takdang parusa ni Allah."}

Hindi maghahagupit ang isa higit sa sampung paglatigo maliban sa isang takdang parusa mula sa mga takdang parusa ni Allah."}

Ayon kay Burdah Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi: "Hindi maghahagupit ang isa higit sa sampung paglatigo maliban sa isang takdang parusa mula sa mga takdang parusa ni Allah."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghagupit ang isa ng higit sa sampung paglatigo maliban sa mga pagsuway. Ang tinutukoy sa nasaad dito mula sa Tagapagbatas ay hindi isang tinakdaang bilang ng hagupit o palo o kaparusahang inilalaan. Ang tinutukoy ay hindi palalabisan sa pagpalo ng pagdisiplina sa sampung hagupit gaya ng paghagupit sa maybahay at anak.

فوائد الحديث

Ang mga takdang parusa ni Allāh (napakataas Siya) na ipinag-utos Niya o sinaway Niya ay mga kaparusahang sumasawata, na maaaring itinakda mula sa Tagapagbatas o bumabalik sa pagtatakda ng mga ito sa kapakanan na nakikita ng tagapamahala.

Ang pagdisiplina ay magaan ayon sa sukat ng pagpapanuto at pagpapangamba. Kaya hindi magdaragdag dito higit sa sampung hagupit kung nangailangan niyon. Ang pinakamarapat ay ang pagdisiplina sa kanila nang walang pananakit; bagkus sa pamamagitan ng pagpapanuto, pagtuturo, paggabay, at pagpapanabik. Ito ay higit na mapag-anyaya sa pagtanggap at kabaitan sa pagtuturo. Ang mga kalagayan sa katayuang ito ay nagkakaiba-iba nang marami kaya naman nararapat ang paggawa ng pinakaangkop.

التصنيفات

Ang mga Patakaran sa Pagpaparusang Pinagpapasyahan ng Hukom