{Sinaway kami laban sa pagdalo sa mga libing at hindi ito iginiit sa amin.}

{Sinaway kami laban sa pagdalo sa mga libing at hindi ito iginiit sa amin.}

Ayon kay Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Sinaway kami laban sa pagdalo sa mga libing at hindi ito iginiit sa amin.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nagpapabatid si Ummu `Aṭīyah Al-Anṣārīyah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (s) ay sumaway sa mga babae laban sa paglalakad kasabay ng mga libing. Iyon ay dahil sa kinatatakutan niya kaugnay roon na sigalot para sa kanila at dahil sa kanila at kakauntian ng pagtitiis nila. Pagkatapos nagpabatid pa ito (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (s) ay hindi nagbigay-katiyakan sa pagbabawal gaya ng ginagawa niya sa nalalabi sa mga sinasaway.

فوائد الحديث

Sinaway ang mga babae laban sa pagdalo sa mga libing. Ito pangkalahatan sa pagdalo sa mga ito hanggang sa kung saan inihahanda ang mga ito at dinadasalan ang mga ito hanggang sa sementeryo kung saan inililibing ang mga ito.

Ang dahilan ng pagsaway ay na ang mga babae ay hindi nakakakaya ng tulad nitong mga tanawing nakalulungkot at mga katayuang nakababagbag-damdamin. Kaya marahil lilitaw mula sa kanila ang sumasalungat sa kinakailangang pagtitiis na pagkainis at kawalang-pasensiya.

Ang batayang panuntunan sa pagsaway ay ang pagpababawal maliban na si Ummu Ummu `Aṭīyah (malugod si Allāh sa kanya) ay nakaintindi mula sa konteksto ng kalagayan na ang pagsaway sa kanila laban sa pagdalo sa mga libing ay hindi isang iginigiit nang tiyakan subalit may nasaad nga na mga hadith na higit na mapagpatunay sa paghihigpit sa pagdalo sa mga libing higit sa pinatutunayan ng hadith na ito.

التصنيفات

Ang mga Pahiwatig ng mga Pananalita at ang Pamamaraan ng Paghuhulo, Ang Pagdalaw sa mga Libingan