{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa amin ng istikhārah sa lahat ng mga gawain kung paanong nagtuturo siya sa amin ng sūrah mula sa Qur'ān

{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa amin ng istikhārah sa lahat ng mga gawain kung paanong nagtuturo siya sa amin ng sūrah mula sa Qur'ān

Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa amin ng istikhārah sa lahat ng mga gawain kung paanong nagtuturo siya sa amin ng sūrah mula sa Qur'ān. Nagsasabi siya: "Kapag nagbalak ang isa sa inyo ng isang bagay, magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi tungkulin. Pagkatapos magsabi siya: Allāhumma innī astakhīruka bi-`ilmika, wa-astaqdiruka bi-qudratik, wa-as'aluka min faḍlika ­-l`aḍ̆īm, fa-innaka taqdiru wa-lā aqdir, wa-ta`lamu wa-lā a`lam, wa anta `allāmu -­lghuyūb. Allāhumma in kunta ta`lamu anna hādha -­l'amra khayrun lī fī dīnī wa-ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "`ājili amrī wa-ājilihi" – "fa­-qdurhu lī wa yassirhu lī, thumma bārik lī fīhi, wa-in kunta ta`lamu anna hādha ­-l'amra sharrun lī fī dīnī wa ma`āshī wa-`āqibati amrī," – o nagsabi siya: "fī `ājili amrī wa-ājilihi" – "fa-ṣrifhu `annī wa-ṣrifnī `anhu, wa-­qdur liya -­lkhayra ḥaythu kāna thumma arḍinī bih. (O Allāh, sumasangguni ako sa Iyo sa pamamagitan ng kaalaman Mo. Nagpapakaya ako sa Iyo sa pamamagitan ng kakayahan Mo. Humihingi ako mula sa kabutihang-loob Mo na sukdulan sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya, samantalang hindi ako nakakakaya, at nakaaalam, samantalang hindi ako nakaaalam. Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid. O Allāh, kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay mabuti para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko, at kahihinatnan ng balak ko," – o nagsabi siya: "maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magtakda Ka nito para sa akin at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magpala Ka para sa akin dito. Kung nakaaalam Ka na ang balak na ito ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko, – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magbaling Ka rito palayo sa akin, magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito naging, pagkatapos magpalugod Ka sa akin.)" Nagsabi siya: "At babanggit siya ng kailangan niya."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]

الشرح

Kapag nagnais ang Muslim na gumawa ng isang balak mula sa anumang hindi siya nakaaalam sa punto ng pagkatama rito, tunay na isinasabatas para sa kanya ay na magdasal siya ng ṣalāh istikhārah (dasal ng pagsangguni) yayamang ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagtuturo sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ng ṣalāh na ito kung paanong nagtuturo siya sa kanila ng sūrah mula sa Qur'ān. Magdasal siya ng dalawang rak`ah na hindi ṣalāh na tungkulin, pagkatapos dumalangin siya kay Allāh, na nagsasabi: "O Allāh, sumasangguni ako sa Iyo" sa pamamagitan ng paghiling ng pagtutuon sa pinakamabuti sa dalawang balak at humihingi ako "sa pamamagitan ng kaalaman Mo" na malawak na pumaligid sa bawat bagay. "Nagpapakaya ako sa Iyo" na gumawa Ka sa akin na nakakakaya yayamang walang kapangyarihan para sa akin at walang lakas kundi sa pamamagitan Mo: "sa pamamagitan ng kakayahan Mo" na mabisa sapagkat Ikaw ay hindi napawawalang-kakayahan ng anuman. "Humihingi ako mula sa kabutihang-loob Mo" at pagmamagandang-loob Mo "na mabisa" na malawak yayamang ang bigay Mo ay isang kabutihang-loob mula sa Iyo samantalang walang ukol sa isa na karapatan sa Iyo sa isang biyaya "sapagkat tunay na Ikaw ay nakakakaya" sa bawat bagay samantalang ako ay mahinang walang-kakayahan "samantalang hindi ako nakakakaya" sa anuman kundi sa pamamagitan ng isang pagtulong mula sa Iyo, "at" Ikaw ay "nakaaalam" sa pamamagitan ng kaalaman Mong sumasaklaw pumapaligid sa mga nakalantad at mga nakakubli at sa kabutihan at kasamaan, "samantalang" ako ay hindi nakaaalam ng anuman kundi sa pamamagitan ng pagtutuon Mo at kapatnubayan Mo. "Ikaw ay ang Palaalam sa mga nakalingid" sapagkat taglay Mo ang kaalamang walang-takda at ang kakayahang mabisa. Walang ukol sa iba sa Iyo mula roon kundi ang itinakda Mo sa kanya. Pagkatapos mananalangin ang Muslim sa Panginoon niya at babanggit siya ng kailangan niya sapagkat magsasabi siya: "O Allāh," tunay na ako ay nagpapaubaya ng balak ko sa Iyo sapagkat "kung nakaaalam Ka" dahil sa kaalaman Mo "na ang balak na ito:" [babanggit siya ng kailangan niya] gaya ng pagbili ng tahanang ito [halimbawa] o kaugnay sa pagbili ng kotseng ito o kaugnay sa pagpapakasal sa babaing ito [halimbawa] o iba pa roon ... Kung ang balak na ito ay nauna na sa kaalaman Mo na dito ay may "mabuti para sa akin: sa relihiyon ko," na siyang pananggol sa balak ko, "pamumuhay ko" sa Mundo ko, "kahihinatnan ng balak ko," at kauuwian ng balak ko – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" sa Mundo at Kabilang-buhay – "magtakda Ka nito," maghanda Ka nito, at magpatupad Ka nito "para sa akin," magpadali Ka nito, "at magpagaan Ka nito para sa akin, pagkatapos magpala Ka," at magparami Ka ng kabutihan "para sa akin dito. Kung nakaaalam Ka," O Allāh, "na ang balak na ito" na isinangguni ko "ay masama para sa akin: sa relihiyon ko, pamumuhay ko at kahihinatnan ng balak ko, – o nagsabi siya: "sa maaga sa balak ko at huli sa balak ko" – "magbaling Ka rito palayo sa akin, magbaling Ka sa akin palayo rito, at magtakda Ka nito para sa akin ng mabuti saanman ito naging, pagkatapos magpalugod Ka sa akin" at sa lahat ng pagtatadhana Mo kabilang sa inibig Mo at kabilang sa kinasuklaman Mo.

فوائد الحديث

Ang tindi ng sigasig ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagtuturo sa mga Kasamahan niya (malugod si Allāh sa kanila) ng ṣalāh na ito dahil sa dulot nito na kapakinabangan at kabutihang dakila.

Ang Pagsasakaibig-ibig ng Istikhārah at Panalanging Naipaabot Matapos Nito

Ang istikhārah ay isinakaibig-ibig sa mga bagay na pinapayagan na nangyayari sa mga ito ang pag-aatubili at hindi sa bagay na kinakailangan o isinakaibig-ibig dahil ang pangunahing panuntunan ay ang paggawa ng mga ito subalit maaari na magsagawa ng istikhārah sa nauugnay sa mga ito gaya ng pagpili ng mga kapisan sa `umrah o ḥajj.

Ang kinakailangan at ang isinakaibig-ibig ay hindi isagawa ang istikhārah sa `umrah at ḥajj. Ang bawal at ang kinasusuklaman ay hindi isinasagawa ang istikhārah sa pagwaksi sa mga ito.

Ipinahuhuli ang pagdalangin sa ṣalāh batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "pagkatapos magsabi siya: ..." Kung sinabi ito bago ng salām, wala namang masama.

Kinakailangan sa tao na magsangguni ng mga bagay-bagay kay Allāh at kinakailangan sa kanya ang magtatwa ng kapangyarihan niya at lakas niya dahil walang kapangyarihan sa kanya at walang lakas kundi sa pamamagitan ni Allāh.

التصنيفات

Ang Ṣalāh ng Istikhārah (Paghiling ng Makabubuti)