إعدادات العرض
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sampu
{May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sampu
Ayon kay `Imrān bin Ḥuṣayn (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Dalawampu." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tatlumpu."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Русский Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Kiswahili සිංහල ગુજરાતી Magyar ქართული Română Português ไทย తెలుగు मराठी دری አማርኛ Malagasy Македонски ភាសាខ្មែរ Українськаالشرح
May dumating na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum. (Ang kapayapaan ay sumainyo.)" kaya tumugon naman siya rito. Pagkatapos umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Nagtala para sa kanya ng sampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay dalawampung magandang gawa." Pagkatapos may dumating na isa pa saka nagsabi ito: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" kaya tumugon naman siya rito, saka umupo ito saka nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Para sa kanya ay tatlumpung magandang gawa." Ibig sabihin: Sa bawat pananalita ay may sampung mabuting gawa.فوائد الحديث
Ang dumarating ay magpapasimula sa mga nakaupo ng pagbati.
Ang Karagdagan sa Pabuya Kapalit ng Karagdagan sa mga Pananalita ng Pagbati
Ang pinakalubos sa pagbibigay ng pagbati ay: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa Niya at ang mga pagpapala Niya.)" Ang pinakamainam na pormula sa pagtugon ay: "Wa-`alaykumu -ssalāmu wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (At sumainyo ang kapayapaan, ang awa Niya, at ang mga pagpapala Niya.)"
Ang mga grado ng pagbati at pagtugon ay nagkakaibahan at ang pabuya ay nagkakaibahan.
Ang pagtuturo sa mga tao ng kabutihan at ang pagtawag-pansin sa kanila sa pagtamo ng pinakamainam.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Kung sakaling nagdagdag ang tagapagpasimula ng: wa-raḥmatu -llāhi (at ang awa Niya)," isinasabatas ba ang karagdagan sa pagtugon? Gayundin kung nagdagdag ang tagapagpasimula ng: "wa-barakātuh (at ang mga pagpapala Niya)," isinasabatas ba para sa kanya iyon? Nagtala si Imām Mālik sa Al-Muwaṭṭa' ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: "Nagwakas ang pagbati sa pagpapala."