Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wat'tuqa wa-l`fāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)"}

Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wat'tuqa wa-l`fāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)"}

Ayon kay `Abdullāh bin Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na noon ay nagsasabi: "Allāhumma, innī as'aluka -lhudā wat'tuqa wa-l`fāfa wa-lghinā. (O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay, pangingilag magkasala, kalinisang-puri, at kawalang-pangangailangan.)"}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Kabilang noon sa panalangin ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "O Allāh, tunay na ako ay humihiling sa Iyo ng patnubay," ang daang tuwid ng pag-alam sa totoo at paggawa ayon dito, "pangingilag magkasala," ang pagsunod sa mga ipinag-uutos at ang pag-iwas sa mga sinasaway, "kalinisang-puri," ang pagpipigil sa hindi pinahihintulutan at hindi nagiging marikit sa sinasabi o ginagawa, "at kawalang-pangangailangan" sa nilikha kung saan hindi mangangailangan sa isang iba pa sa Panginoon (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan).

فوائد الحديث

Ang karangalan ng mga kakanyahang ito: ang patnubay, ang pangingilag magkasala, ang kalinisang-puri, at ang kawalang-pangangailangan, at ang paghimok sa pagkakaasalan ng mga ito.

Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakapangyayari para sa sarili niya ng pakinabang ni pinsala at na ang nakapangyayari niyon ay si Allāh (napakataas Siya).

Ang nakapangyayari ng pakinabang, pinsala, at kapatnubayan para sa nilikha ay si Allāh – tanging Siya – hindi isang anghel na inilapit [kay Allāh] ni isang propetang isinugo ni isang iba pa sa dalawang ito.

التصنيفات

Ang mga Du`ā' na Ipinahatid