{Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito…

{Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}

Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa zakāh ng pagtigil-ayuno ng isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada, na kailangan sa alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda kabilang sa mga Muslim. Nag-utos siya nito na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh.}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Nag-obliga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) matapos ng Ramaḍān. Ito ay katumbas ng sukat ng isang ṣā` na umaabot ang timbang sa apat na mudd. Ang mudd ay isang pagkapuno ng dalawang kamay ng katamtamang lalaki ng datiles o sebada, na kailangan sa bawat Muslim: sa malaya at alipin, lalaki at babae, at nakababata at nakatatanda. Iyon ay ukol sa sinumang nagtaglay ng sumobra sa pagkain ng araw niya at gabi niya alang-alang sa sarili niya at alang-alang sa mga itinataguyod niya. Nag-utos siya na ibigay ito bago ng paglabas ng mga tao papunta sa ṣalāh ng `īd.

فوائد الحديث

Ang zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) mula sa Ramaḍān ay kinakailangan na ibigay alang-alang sa nakababata at nakatatanda at malaya at minamay-aring alipin. Ipinagkakatiwala ito sa amo at pinapanginoon. Nagpapaluwal nito ang lalaki alang-alang sa kanya at alang-alang sa mga anak niya at mga kinakailangan sa kanya ang paggugol sa kanila.

Hindi kinakailangan ang zakātul fiṭr (zakāh ng pagtigil-ayuno) alang-alang sa fetus, bagkus isinasakaibig-ibig.

Ang paglilinaw sa ipinaluluwal sa zakātul fiṭr at na ito ay ang nakahiratiang pagkain ng mga tao.

Ang pagkakinakailangan ng pagpapaluwal nito bago ng ṣalāh ng `īd at ang pinakamainam ay na ito ay sa umaga ng `īd. Pinapayagan ang pagpapaluwal nito isang araw o dalawang araw bago ng `īd.

التصنيفات

Ang Zakaātulfiṭr