إعدادات العرض
Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Tuwing namamatay ang isang propeta hinahalilinan ito ng isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon matapos ko ng mga khalīfah at darami sila.
Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Tuwing namamatay ang isang propeta hinahalilinan ito ng isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon matapos ko ng mga khalīfah at darami sila.
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Ang mga anak ni Israel noon ay pinangangasiwaan ng mga propeta. Tuwing namamatay ang isang propeta hinahalilinan ito ng isang propeta. Tunay na walang propeta matapos ko. Magkakaroon matapos ko ng mga khalīfah at darami sila. "
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Português தமிழ் Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતીالشرح
Ang mga anak ni Israel noon ay pinalalakad ng mga propeta ang kapakanan nila gaya ng ginagawa ng mga nangangasiwa at mga pinuno sa mga pinamumunuan. Tuwing namamatay ang isang propeta ay may dumarating na isang propeta pagkatapos niyon. "Wala nang propeta pagkatapos ko," [sabi ng Propeta.] Ang mga khalīfah ay magiging marami, na mamumuno sa mga tao. Kaya nagsabi ang mga Kasamahan, malugod si Allah sa kanila: "Kapag dumami matapos mo ang mga khalīfah at naganap ang hidwaan at ang alitan sa pagitan nila, ano po ang ipag-uutos mo sa amin na gagawin namin?" "Tuparin ninyo ang pangako ng katapatan sa una. Ibigay ninyo sa kanila ang karapatan nila kahit pa hindi nila ibigay sa inyo ang karapatan nila dahil si Allah ay magpapanagot sa kanila tungkol sa karapatan ninyo at gagantimpalaan Niya kayo dahil sa karapatang ukol sa kanila na tinupad ninyo."