Hindi titingin si Allāh sa isang lalaking nakipagtalik sa isang lalaki o isang babae sa tumbong."}

Hindi titingin si Allāh sa isang lalaking nakipagtalik sa isang lalaki o isang babae sa tumbong."}

Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hindi titingin si Allāh sa isang lalaking nakipagtalik sa isang lalaki o isang babae sa tumbong."}

[Tumpak]

الشرح

Nilinaw ng Propeta ang matinding banta na si Allāh ay hindi titingin nang pagtingin ng pagkaawa sa isang lalaking nakipagtalik sa isang lalaki sa tumbong nito o sa isang babae sa tumbong nito, at na ito ay isang malaking kasalanan kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

فوائد الحديث

Ang pakikipagtalik ng lalaki sa lalaki – ang sodomiya – ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

Ang pakikipagtalik sa babae sa tumbong nito ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.

Ang "hindi titingin si Allāh" ay nangangahulugang "nang pagtingin ng pagkaawa at pagkahabag" at ang tinutukoy rito ay hindi ang literal na pagtingin dahil si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) ay hindi nakukublihan ng anuman at hindi nalilingidan ng anuman sa paningin Niya.

Ang mga gawaing ito ay kabilang sa pinakamabigat sa mga kahalayan at pinakamapanganib sa mga ito sa Sangkatauhan dahil sa dulot ng mga ito na pagsalungat sa pantaong matinong naturalesa, pangangaunti ng supling, pagtitiwali ng buhay na pangmag-asawa, pagtatanim ng pagkamuhi at pagkasuklam, at pagkasadlak sa mga lugar na minamarumi.

التصنيفات

Ang mga Patakaran sa Pagpaparusang Pinagpapasyahan ng Hukom