إعدادات العرض
Pansinin, tunay na ang alak ay ipinagbawal na
Pansinin, tunay na ang alak ay ipinagbawal na
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako noon ay tagapagpainom ng mga tao sa tahanan ni Abū Ṭalḥah. Ang alak nila noong araw na iyon ay ang faḍīkh. Nag-utos ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang tagapanawagan na manawagan ito: "Pansinin, tunay na ang alak ay ipinagbawal na."} Sinabi: {Kaya nagsabi sa akin si Abū Ṭalḥah: "Lumabas ka saka ibubo mo iyan." Kaya lumabas ako saka ibinuhos ko ito. Kaya dumaloy ito sa mga kalye ng Madīnah. Nagsabi ang ilan sa mga tao: "May pinatay nga na mga tao habang ito ay nasa mga tiyan nila." Kaya nagpababa si Allāh (Qur'ān 5:93): {Walang maisisisi sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos kaugnay sa anumang kinain na nila}.}
الترجمة
العربية Tiếng Việt অসমীয়া Nederlands Bahasa Indonesia Kiswahili Hausa සිංහල English ગુજરાતી Magyar ქართული Română Русский Português ไทย తెలుగు मराठी دری Türkçe አማርኛ বাংলা Kurdî Malagasy Македонскиالشرح
Nagpabatid si Anas (malugod si Allāh sa kanya) na siya noon ay nasa pagpapainom ng mga nasa tahanan ng asawa ng ina niya, si Abū Ṭalḥah (malugod si Allāh sa kanya). Ang alak nila noong araw na iyon ay ang faḍīkh, ang lahok ng hinog na datiles at bubot nito. Biglang ang tagapanawagan ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nananawagan: "Pansinin, tunay na ang alak ay ipinagbawal na." Sinabi: Kaya nagsabi sa akin si Abū Ṭalḥah: "Lumabas ka saka ibuhos mo iyan at iliwat mo iyan." Kaya lumabas ako saka ibinuhos ko ito at iniliwat ko ito. Kaya dumaloy ang alak sa mga kalye ng Madīnah. Nagsabi ang ilan sa mga tao: "Pinatay ang ilan sa mga Kasamahan bago ng pagbabawal nito habang ito ay nasa mga tiyan nila." Kaya nagpababa si Allāh: {Walang maisisisi sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos kaugnay sa anumang kinain na nila} (Qur'ān 5:93) Ibig sabihin: Walang kasalanan sa mga sumampalataya kaugnay sa anumang kinain nila at ininom na alak bago ng pagbabawal nito.فوائد الحديث
Ang kainaman ni Abū Ṭalḥah at ng mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) noong tumugon sila sa utos ni Allāh nang may kabilisan at walang pagtatanong. Ito ay ang nararapat sa totoong Muslim.
Ang alak ay isang katawagang sumasaklaw sa bawat nakalalasing.
Ang faḍīkh ay isang inuming ginagawa mula sa bubot na datiles at hinog na datiles nang hindi nakasaling dito ang apoy. Ang bubot na datiles (busr) ay ang bunga ng datiles bago magmanibalang ito.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Nagsabi si Al-Muhallab: Ibinuhos lamang ang alak sa daan para sa pagpapahayag sa pagtutol dito at upang tumanyag ang pagwaksi rito. Iyon ay higit na matimbang sa kapakanan kaysa sa pagkaperhuwisyo dahil sa pagkabuhos nito sa daan,.
Ang paglilinaw ng awa ni Allāh sa mga lingkod Niya at na siya ay hindi makikipagtuos sa paggawa bago ng pagpapababa ng kahatulan.
Nagbawal si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa alak dahil sa taglay nito na mga katiwaliang nagdudulot ng pinsala sa isip at ari-arian at dahilan dito nakagagawa ang tao ng marami sa mga pagkakasala dahil sa paglaho ng isip niya.