إعدادات العرض
O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin
O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin
Ayon kay Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): {May isang lalaking pumasok sa masjid sa araw ng Biyernes mula sa isang pintong paharap sa Tahanan ng Paghuhukom samantalang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na magsaklolo Siya sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin." Nagsabi si Anas: Talagang sumpa man kay Allāh, hindi kami nakakikita sa langit ng kaulapan ni gula-gulanit na ulap. Wala sa pagitan namin at ng Bundok Sal` na anumang bahay ni tahanan." Nagsabi pa ito: "Saka may lumitaw mula sa likuran niyon na isang ulap na tulad ng kalasag; saka noong pumagitna ito sa langit, kumalat ito, pagkatapos nagpaulan ito. Kaya talagang sumpa man kay Allāh, hindi namin nakita ang araw nang anim na araw. Pagkatapos may pumasok na isang lalaki mula sa pintong iyon sa araw ng Biyernes samantalang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa kanya habang nakatayo. Pagkatapos nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na pumigil Siya nito para sa amin." Kaya nag-angat ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, [ibaling] sa mga palibot namin at huwag laban sa amin; O Allāh sa mga burol, mga talampas, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng punong-kahoy." Nagsabi ito: "Kaya tumila ang ulan at lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng araw." Nagsabi si Sharīk: "Nagtanong ako kay Anas bin Mālik kung iyon ba ay ang unang lalaki ngunit nagsabi ito: Hindi ko nalalaman."}
الترجمة
العربية Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî دری বাংলা Македонски Magyar Tiếng Việt ქართული ไทย অসমীয়া Nederlands ਪੰਜਾਬੀالشرح
May pumasok na isang Arabeng-disyerto sa Masjid ng Propeta (s) nang araw ng Biyernes mula sa pinto ng silangang bahagi ng Masjid paharap sa bahay ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allah dito) samantalang ang Propeta (s) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ang lalaki sa Propeta (s) at nagsabi: "O Sugo ni Allah, nasawi ang mga hayupan at nagkaputul-putol ang mga landas dahil sa pagkamatay ng mga hayop na naghahatid ng mga tao o dahil sa panghihina ng mga ito dala ng pagkagutom, kaya manalangin ka kay Allah na magpainom Siya ng ulan." Kaya nag-angat siya (s) ng mga kamay niya, pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin. O Allāh, sumaklolo Ka sa amin." Nagsabi si Anas bin Mālik (malugod si Allāh sa kanya): "Sumpa man kay Allāh, hindi kami nakakikita sa langit ng kahit isang piraso ng ulap. Wala sa pagitan namin sa Masjid at ng Bundok Sal` - sa kanlurang bahagi ng Masjid kung saan dumarating mula sa dako nito ang kaulapan - na anumang bahay ni tahanang nagtatabing sa kanila sa pagkakita niyon." Nagsabi pa si Anas (r): "Saka may lumitaw mula sa likuran niyon na isang ulap na bilohabang tulad ng kalasag - maliit na malapinggan - saka noong pumagitna ito sa langit ng Madīnah, kumalat ito, pagkatapos nagpaulan ito. Kaya sumpa man kay Allāh, hindi namin nakita ang araw dahil sa ulan hanggang sa kasunod na Biyernes kung kailan pumasok ang lalaking iyon mula sa pintong iyon habang ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nakatayo habang nagtatalumpati saka humarap ito sa kanya habang nakatayo saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, nasawi ang mga ari-arian at naputol ang mga landas, kaya manalangin ka kay Allāh na pigilin ang ulan para sa amin." Nagsabi ito: "Kaya nag-angat ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsabi siya: "O Allāh, ibaling ang ulan sa mga palibot namin at huwag laban sa amin; O Allāh sa anumang tumaas na lupa gaya ng burol, mga kaloob-looban ng mga lambak, at mga tinutubuan ng punong-kahoy." Nagsabi pa si Anas: "Kaya naputaol ang ulap na tagapagpaulan at lumabas kami na naglalakad sa ilalim ng araw."فوائد الحديث
Ang paggawa ng mga kadahilanan para sa paghahanap ng panustos gaya ng pagdalangin at paglalakbay sa lupain ay hindi sumasalungat sa pananalig kay Allah (t).
Ang pagsakaibig-ibig sa pagdalangin ng panalanging pampropetang ito para sa paghiling ng ulan.
Ang pagpayag sa pagpapaaliwalas ng panahon - ang paghiling ng pag-aliwalas ng panahon at ang pagpapatigil ng ulan - sa sandali ng pinsala dahil sa ulan. Nagtangi siya ng pamamalagi ng ulan sa mga burol, mga talampas, at mga kaloob-looban ng mga lambak dahil ang mga ito ay higit na angkop sa pagsasaka at pagpapastol.
Ang pagpayag sa paghiling na pagdalangin mula sa mga ipinagpapalagay sa kanila ang kaayusan at ang pagkamapangilag magkasala mula sa mga buhay na naririyan. Ito ang pagsusumamong pinapayagan. Hinggil naman sa pagsusumamo sa pamamagitan ng katayuan ng isa sa mga nilikha, buhay man o patay, ito ay hindi pinapayagan dahil ito ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk.
Ang pagkaisinasabatas ng pangungulit sa panalangin at pag-uulit-ulit nito.
Ang pagpayag sa pakikipag-usap sa khaṭīb sa araw ng Biyernes dahil sa pangangaiangan.
Ang pagkalitaw ng maningning na kakayahan ni Allah sa pagpapababa ng ulan at pagpigil nito.
Ang karunungan ng Propeta (s) dahil sa pagdalangin ng pagpigil sa ulan para doon sa may pinsala hindi sa walang pinsala roon.
Ang pagkaisinasabatas ng pagsasagawa ng istisqā' (panalangin ng paghiiing ng ulan) sa khuṭbah.
Ang pag-angat ng mga kamay sa pagdalangin ay dahil mayroon itong kahulugan ng pangangailangan at pagmimithi ng pagbibigay sa mga ito. Nagkabuklod nga ang mga maalam sa pag-aangat ng mga ito sa kalagayang ito.
May isang tanda kabilang sa mga tanda ng Propeta (s), na nagpapatunay sa pagkapropeta niya, sapagkat tinugon nga ang panalangin niya kaagad sa pagtamo ng ulan at sa pagpawi nito.
التصنيفات
Ang Ṣalāh ng Paghiling ng Ulan