إعدادات العرض
Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?
Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?
Ayon kay ̄ Abu Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi ba ako gagabay sa inyo sa anumang pumapawi si Allāh sa pamamagitan nito sa mga kamalian at nagtataas Siya sa pamamagitan nito ng mga antas?" Nagsabi sila: "Opo, O Sugo ni Allāh." Nagsabi siya: "Ang pagpapalubus-lubos sa pagsasagawa ng wuḍū' sa kabila ng mga kalagayang kinasusuklaman, ang dami ng paghakbang patungo sa mga masjid, at ang paghihintay sa ṣalāh matapos ng ṣalāh sapagkat iyon ang pagbabantay [para kay Allāh]."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Tiếng Việt Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල دری অসমীয়া Svenska Кыргызча Yorùbá ગુજરાતી नेपाली മലയാളം Română Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Македонски Lietuvių Azərbaycan Wolof አማርኛ Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ ភាសាខ្មែរالشرح
Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya kung nagnanais sila na gumabay siya sa kanila sa mga gawaing magiging isang kadahilanan sa kapatawaran ng mga pagkakasala, pagpawi sa mga ito mula sa mga talaan ng mga anghel na tagaingat, kataasan ng mga katayuan sa Paraiso. Nagsabi ang mga Kasamahan: "Opo, nagnanais kami niyon." Nagsabi siya: UNA: Ang pagkamasaklaw at ang paglulubos ng pagsasagawa ng wuḍū' sa kabila ng hirap gaya ng ginaw, kakauntian ng tubig, sakit ng katawan, at mainit na tubig. IKALAWA: Ang dami ng paghakbang – ang puwang sa pagitan ng dalawang paang pasulong – patungo sa mga masjid dahil sa kalayuan sa tahanan at dami ng pag-uulit-ulit. IKATLO: Ang paghihintay sa oras ng ṣalāh, ang pagkahumaling ng puso rito, ang pagpapakahanda para rito, at ang pag-upo para rito sa masjid para sa paghihintay ng konggregasyon. Kapag dinasal niya ito, maghihintay siya sa pinagdasalan niya ng iba pang ṣalāh. Pagkatapos naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga bagay na ito ay ang tunay na pagbabantay dahil ang mga ito ay pumipinid sa mga daan ng demonyo patungo sa kaluluwa, sumusupil sa pithaya, at pumipigil dito laban sa pagtanggap ng mga pasaring kaya nananaig dahil sa mga ito ang lapian ni Allāh sa mga sundalo ng demonyo. Iyon ay ang pinakamalaking pakikibaka sapagkat ang mga ito ay naging nasa antas ng pagbabantay sa bukana ng kaaway.فوائد الحديث
Ang kahalagahan ng pangangalaga sa ṣalāh sa konggregasyon sa masjid at ang pagpapahalaga sa mga ṣalāh at ang hindi pagpapakaabala palayo sa mga ito.
Ang kagandahan ng paglalahad ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at pagpapanabik niya sa mga Kasamahan niya yayamang nagsimula siya sa kanila sa isang dakilang gantimpala sa pamamaraan ng pagtatanong. Ito ay isang pamamaraang kabilang sa mga pamamaraan ng pagtuturo.
Ang benepisyo ng paglalahad ng usapin sa pamamagitan ng tanong at sagot ay: na ang pagsasalita ay maging higit na makapukaw-damdamin sa sarili sa bisa ng pagkalabo at pagkalinaw.
Nagsabi si Imām An-Nawawīy (kaawaan siya ni Allāh): "sapagkat iyon ang pagbabantay" na nangangahulugang: ang pagbabantay na naiibigan. Ang orihinal na kahulugan ng "pagbabantay" ay ang pagkulong sa isang bagay. Para bang siya ay nagkulong ng sarili niya sa pagtalimang ito. Sinabi: "Tunay na ito ay pinakamainam na pagbabantay gaya ng sinabi: ang pakikibaka ay ang pakikibaka sa sarili." Naisasaposibilidad na ito ay ang pinadaling posibleng pagbabantay. Ibig sabihin: tunay na ito ay kabilang sa mga uri ng pagbabantay.
Naulit-ulit ang salitang "ang pagbabantay" at nakilala ito bilang "ang" ng pagpapakilala. Iyon ay isang pagdakila sa pumapatungkol sa mga gawaing ito.