Ang sinumang nagsabi ng: Subḥāna -­llāhi -­l`aḍ̆īm wa-bi-ḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan, at kalakip ng papuri sa Kanya), may itatanim para sa kanya na isang punong datiles sa Paraiso."}

Ang sinumang nagsabi ng: Subḥāna -­llāhi -­l`aḍ̆īm wa-bi-ḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan, at kalakip ng papuri sa Kanya), may itatanim para sa kanya na isang punong datiles sa Paraiso."}

Ayon kay Jābir (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang nagsabi ng: Subḥāna -­llāhi -­l`aḍ̆īm wa-bi-ḥamdihi (Kaluwalhatian kay Allāh, ang Sukdulan, at kalakip ng papuri sa Kanya), may itatanim para sa kanya na isang punong datiles sa Paraiso."}

[Tumpak] [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

الشرح

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsabi ng: "Kaluwalhatian kay Allāh," at nagpapawalang-kapintasan ako sa Kanya, "ang Sukdulan," sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawa Niya, "at kalakip ng papuri sa Kanya," na nilalakipan ng pag-uugnay ng mga paglalarawan ng kalubusan sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya), may itutukod at itatanim para sa kanya na isang punong datiles sa lupain ng Paraiso sa bawat pagkakataong nagsasabi siya nito.

فوائد الحديث

Ang paghimok sa pagpaparami ng pag-alaala kay Allāh (napakataas Siya). Kabilang doon ang pagluwalhati kasama ng pagpuri-puri.

Ang Paraiso ay malawak at ang tanim nito ay ang pagluluwalhati at ang pagpuri-puri, bilang kabutihang-loob mula kay Allāh (napakataas Siya) at bilang biyaya.

Nagtangi sa punong datiles sa ḥadīth hindi sa iba pa rito na mga punong-kahoy dahil sa dami ng mga kapakinabangan nito at kaayahan ng bunga nito. Dahil doon, naglahad si Allāh (napakataas Siya) ng paghahalintulad sa mananampalataya at pananampalataya nito sa pamamagitan nito sa Qur'ān.

التصنيفات

Ang mga Pakinabang ng Pag-alaala kay Allāh – kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan