إعدادات العرض
Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}
Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}
Ayon kay Sahl bin Sa`d (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi matitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil-ayuno."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Français ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî සිංහල Русский Tiếng Việt Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ಕನ್ನಡ Svenska Oromoo Македонски ไทย Українська తెలుగు پښتو मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរالشرح
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga tao ay hindi matitigil sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagmamadali sila sa pagtigil sa pag-aayuno matapos ng pagkatiyak ng paglubog ng araw. Iyon ay bilang pagsunod sa Sunnah at pagtigil sa hangganan nito.فوائد الحديث
Nagsabi si Imām An-Nawawīy: Nasaad dito ang paghimok sa pagmamadali roon matapos ng pagkatiyak ng pagkalubog ng araw. Ang kahulugan nito: Hindi matitigil ang nauukol sa Kalipunang Islām sa pagkakaayos habang sila ay nasa kabutihan hanggat sila ay mga nangangalaga sa Sunnah na ito. Kapag naman nagpahuli sila nito, iyon ay magiging isang palatandaan sa isang kasiraang kasasadlakan nila.
Ang pananatili ng kabutihan sa mga tao dahilan sa pagsunod nila sa Sunnah at ang pagkasira ng mga bagay-bagay ay nauugnay sa pag-iba ng Sunnah.
Ang pagsalungat sa mga may kasulatan at mga kampon ng mga bid`ah sapagkat tunay na sila ay nagpapahuli ng pagtigil-ayuno.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Dito ay may paglilinaw sa katwiran doon. Nagsabi si Al-Muhallab: Ang kasanhian doon ay na hindi magdagdag sa maghapon ng mula sa gabi at dahil ito ay higit na banayad sa tagapag-ayuno at higit na malakas para sa kanya sa pagsamba. Nagkasang-ayon ang mga maalam na ang kaganapan niyon ay kapag natiyak ang pagkalubog ng araw sa pamamagitan ng pagkakita o sa pamamagitan ng pagpapabatid ng dalawang makatarungang lalaki o gayon din ng iisang makatarungang lalaki ayon sa pinakamatimbang na pahayag.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Pagtawag-pansin: Kabilang sa mga nakasasamang bid`ah ang pinauso sa panahong ito na pagganap ng adhān mga 20 minuto bago ng fajr (madaling-araw) sa Ramaḍān at pagpatay ng mga ilaw na ginawa bilang palatandaan para sa pagbabawal sa pagkain at pag-inom sa sinumang nagnanais mag-ayuno. Ito ay bilang pagpapalagay ng sinumang nagpauso nito na ito ay ang pag-iingat sa pagsamba. Walang nakaaalam niyon kundi ang iilan sa mga tao. Nagtulak sa kanila iyon sa isang punto na sila ay naging hindi nagsasagawa ng adhān kundi matapos ng pagkalubog ng araw, para sa pagpapahaba ng oras daw ayon sa pagpapalagay nila. Kaya naman nagpahuli sila sa pagtigil-ayuno, nagmadali sa saḥūr, at sumalungat sila sa Sunnah. Kaya dahil doon, nangaunti sa kanila ang kabutihan at dumami sa kanila ang kasamaan. Si Allāh ay ang Pinagpapatulungan.
التصنيفات
Ang mga Sunnah ng Pag-aayuno