إعدادات العرض
Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
Ayon kay Anas (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdî Русский Tiếng Việt Kiswahili অসমীয়া ગુજરાતી Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ಕನ್ನಡ Svenska Oromoo Македонски ไทย Українська తెలుగు پښتو मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរالشرح
Humimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pagkain ng saḥūr, ang pagkain sa huling bahagi ng gabi bilang paghahanda para sa pag-aayuno, dahil dito ay may pagpapala na maraming kabutihan gaya ng pabuya at gantimpala, pagdarasal sa oras ng huling bahagi ng gabi, pangingilag magkasala sa pag-aayuno, pagpapakasigla para rito, at pagpapagaan sa hirap dito.فوائد الحديث
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagkain ng saḥūr at pagsunod sa utos na pambatas ng pagsasagawa nito.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar sa Fatḥ Al-Bārī: Ang pagpapala sa saḥūr ay natatamo sa sarisaring paraan. Ang mga ito ay ang pagsunod sa Sunnah, ang pagsalungat sa mga may kasulatan, ang pagpapakalakas sa pamamagitan nito sa pagsamba, ang pagkadagdag sa kasiglahan, ang pagtulak sa kasagwaan ng kaasalan na pinupukaw ng gutom, ang pagkakadahilan ng kawanggawa sa sinumang humihingi sa sandaling iyon o nakakasama sa pagkain, ang pagkakadahilan ng pag-alaala [kay Allāh] at pagdalangin sa oras ng malamang na pagtugon, at ang pagkahabol sa paglalayon ng pag-aayuno para sa sinumang nakalingat nito bago matulog.
Ang kagandahan ng pagtuturo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) yayamang nag-uugnay siya ng kahatulan sa kasanhian upang lumuwag ang dibdib at makilala sa pamamagitan nito ang katayugan ng Batas ng Islām.
Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Natatamo ang saḥūr sa pamamagitan ng higit na kaunti sa kinukunsumo ng tao na makakain at maiinom.
التصنيفات
Ang mga Sunnah ng Pag-aayuno