إعدادات العرض
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang…
{Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi noon sa sandali ng pighati: "Lā ilāha illā -llāhu -l`aḍ̆īmu -lḥalīm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi wa-rabbu -l`arshi -lkarīm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Sukdulan, ang Matimpiin. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan. Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa at ang Panginoon ng tronong marangal.)"}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල Kurdî Português Kiswahili অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Hausa Nederlands മലയാളം Română Magyar ქართული Moore ಕನ್ನಡ Svenska Македонски ไทย తెలుగు Українська मराठी ਪੰਜਾਬੀ دری አማርኛ Malagasy ភាសាខ្មែរالشرح
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa sandali ng pagtindi ng pighati at kapanglawan sa kanya: "Lā ilāha illā -llāhu (Walang Diyos kundi si Allāh)" Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "[a]lḥalīm, (ang Sukdulan,)" sa kalagayan, ang Kapita-pitagan sa kahalagahan sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya. "[a]lḥalīm. (ang Matimpiin.)" na hindi nagmamadali sa tagasuway sa kaparusahan, bagkus nagpapaliban nito at maaaring magpaumanhin dito sa kabila ng kakayahan sa pagpaparusa sapagkat Siya ang Nakakakaya (kaluwalhatian sa Kanya) sa bawat bagay. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan.)" ang Tagalikha ng tronong dakila. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa")" ang Tagalikha ng mga langit at lupa, ang Tagalikha ng bawat bagay sa mga ito, ang Tagapagmay-ari nito, ang Tagapagsaayos nito, at ang Tagapatnugot dito kung papaanong niloob Niya. "rabbu -l`arshi -lkarīm. (ang Panginoon ng tronong marangal.)" ang Tagalikha ng tronong marangal.فوائد الحديث
Ang pagkakinakailangan ng pagpapakandili kay Allāh sa pamamagitan ng pagdalangin sa sandali ng pagbaba ng mga kasawiang-palad at mga pighati.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagdalangin sa pamamagitan ng panalanging ito sa sandali ng pighati.
Ang trono ng Raḥmān (Napakamaawain) na lumuklok Siya roon ay ang pinakamataas sa mga nilikha, ang pinakamalaki sa mga ito, at ang pinakadakila sa mga ito. Naglarawan nga rito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ito ay sukdulan at ito ay marangal.
Itinangi ang mga langit at ang lupa sa pagkabanggit dahil ang mga ito ay pinakadakila sa mga nilikhang nasasaksihan.
Nagsabi si Aṭ-Ṭaybīy: Nag-umpisa siya sa pagbubunying ito sa pagbanggit ng Panginoon upang bumagay sa pagpawi ng pighati dahil ito ay hinihiling ng pag-aalaga. Nasaad dito ang tahlīl na naglalaman ng Tawḥīd, na pinag-ugatan ng mga pagpapawalang-kapintasang pampitagan, kadakilaang nagpapahiwatig sa kalubusan ng kakayahan, at pagtitimping nagpapahiwatig sa kaalaman yayamang ang mangmang ay hindi mapag-iisipan ng pagtitimpi ni karangalan, na pinag-ugatan ng mga paglalarawang pampagpaparangal.