{"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakitagpo ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka…

{"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakitagpo ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng tasmīt; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya."}

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Ang karapatan ng Muslim sa kapwa Muslim ay anim." Sinabi: "Ano po ang mga ito, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kapag nakitagpo ka sa kanya, bumati ka sa kanya; kapag nag-anyaya siya sa iyo, tumugon ka sa kanya; kapag humingi siya ng payo sa iyo, magpayo ka sa kanya; kapag bumahin siya saka nagpuri siya kay Allāh, magsabi ka sa kanya ng tasmīt; kapag nagkasakit siya, dumalaw ka sa kanya; at kapag namatay siya, makipaglibing ka sa kanya."}

[Tumpak] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

الشرح

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na bahagi ng karapatan ng Muslim sa kapwa niyang Muslim ay anim na kakanyahan: Una. Babati siya rito kapag nakitagpo siya rito sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Assalāmu `alaykum (Ang kapayapaan ay sumainyo)" at ito naman ay tutugon ng pagbati sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Wa-`alaykumu -ssalām (At sumainyo ang kapayapaan)." Ikalawa. Ang pagtugon sa paanyaya nito kapag nag-anyaya ito sa kanya sa isang piging at iba pa roon. Ikatlo. Ang pagpapayo rito kapag humiling ito niyon at huwag mo siyang bolahin o dayain. Ikaapat. Kapag bumahin siya saka nagsabi siya ng: "Alḥamdu lillāh (Kaawaan ka ni Allāh)" magsabi ka sa kanya ng tashmīt sa pamamagitan ng pagsabi ng: "Yarḥamuka -llāh (Kaawaan ka ni Allāh)" at siya naman ay tutugon, na nagsasabi: "Yahdīkum -llāhu wa-yuṣliḥu bālakum (Patnubayan kayo ni Allāh at isaayos Niya ang lagay ninyo)." Ikalima. Dadalawin niya ito at bibisitahin kapag nagkasakit ito. Ikaanim. Dadasalin niya ito kapag namatay ito at dadaluhan niya ang libing nito hanggang sa mailibing ito.

فوائد الحديث

Nagsabi si Ash-Shawkānīy: Ang ibig sabihin ng sabi niya: "ang karapatan ng Muslim" ay na hindi nararapat ang magpabaya rito at ang pagsasagawa nito ay maaaring kinakailangan o ihinahabilin sa isang paghahabiling binibigyang-diin na kawangis sa kinakailangan na hindi nararapat pabayaan.

Ang pagtugon sa pagbati ay isang tungkulin ng individuwal kapag ang binabati ay isang individuwal at sasapat para sa grupo ang isa sa kanila sa pagtugon. Ang pagpapasimula ng pagbati ay sunnah ayon sa pangunahing tuntunin dito.

Ang pagbisita sa maysakit ay kabilang sa mga karapatan niya sa mga kapwa niyang Muslim dahil ito ay nagpapasok ng kagalakan at pagkapalagay ng loob sa puso niya. Ito ay isang tungkulin ng komunidad.

Ang pagkakinakailangan ng pagtugon sa paanyaya hanggat hindi nagkaroon doon ng kasalanan. Kung ito ay sa isang piging ng kasalan, ang mayoriya ay naniniwala sa pagkakinakailangan ng pagtugon doon malibang may isang maidadahilang legal. Hinggil naman sa kung hindi sa piging ng kasal, ang mayoriya ay naniniwala na ito ay isinakaibig-ibig.

Ang pagsabi ng tashmīt sa bumahin ay kinakailangan sa sinumang nakarinig sa pagpuri ng bumahin kay Allāh.

Ang kalubusan ng Batas ng Islām at ang sigasig nito sa pagpapatibay sa mga bigkis ng lipunan at pananampalataya at mga bigkis ng pag-ibig sa pagitan ng mga individuwal.

Ang "magsabi ka sa kanya ng tasmīt" – na sa ilan sa mga kopya ay "magsabi ka sa kanya ng tashmīt" nang may S at SH – ay pagdalangin ng kabutihan at pagpapala. Ang tashmīt ay sinasabing nangangahulugang: maglayo sa iyo si Allāh sa pagkagalak sa kasawian ng iba at magpaiwas Siya sa iyo sa anumang magagalak sa kasawian mo ang kaaway mo. Ang tasmīt naman ay nangangahulugang: Magpatnubay sa iyo si Allāh sa daanang tuwid.

التصنيفات

Ang mga Kahatulan ng Pagtangkilik at ang Pagpapawalang-kaugnayan, Ang mga Kaasalan ng Pagbahin at Paghikab