Tunay na si Allah ay nagsiwalat sa akin na magpakumbaba kayo hanggang sa hindi maniil ang isa sa isa at hindi magmayabang ang isa sa isa.

Tunay na si Allah ay nagsiwalat sa akin na magpakumbaba kayo hanggang sa hindi maniil ang isa sa isa at hindi magmayabang ang isa sa isa.

Ayon kay `Iyāḍ bin Ḥimār, malugod si Allah sa kanya: "Tunay na si Allah ay nagsiwalat sa akin na magpakumbaba kayo hanggang sa hindi maniil ang isa sa isa at hindi magmayabang ang isa sa isa."

[Tumpak.] [Nagsalaysay nito si Imām Muslim.]

الشرح

Ang pagpapakumbaba ay ipinag-uutos. Ito ay marangal na kaasalang bahagi ng mga kaasalan ng mga Mananampalataya. Isiniwalat ito ni Allah, pagkataas-taas Niya, kay Propeta niyang si Muhammad, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan. Ito ay patunay sa kahalagahan nito at pangangalaga rito dahil ang sinumang nagpakumbaba, tunay na siya ay nagpapakababa at nagpapasakop sa mga kautusan ni Allah, pagkataas-taas Niya, at sumusunod sa mga ito. Sa mga ipinagbabawal Niya naman ay umiiwas siya. Nagpapakumbaba siya sa sarili niya at sa mga tao. Nasaad sa ḥadīth ang pagbabawal sa pagmamalaki at ang pagyayabang sa mga karangalan at mga magandang katangian upang magmalaki at magmataas sa mga tao.

التصنيفات

Ang Etikang Kapuri-puri, Ang mga Gawain ng mga Puso