إعدادات العرض
Pangulo ng pananalangin sa Kapatawaran,Ang pagsabi ng alipin sa: O Allah,Ikaw ang aking Panginoon,Walang ibang Diyos na karapa-dapat sambahin maliban sa Iyo,Ako ay Iyong nilikha at ako ay Iyong alipin,at ako ay susunod sa Iyong mga ipinag-utos at ipinangangako kong gagawin sa abot ng aking…
Pangulo ng pananalangin sa Kapatawaran,Ang pagsabi ng alipin sa: O Allah,Ikaw ang aking Panginoon,Walang ibang Diyos na karapa-dapat sambahin maliban sa Iyo,Ako ay Iyong nilikha at ako ay Iyong alipin,at ako ay susunod sa Iyong mga ipinag-utos at ipinangangako kong gagawin sa abot ng aking makakayanan,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking mga gawa,Tinatanggap ko ang Iyong mga biyaya sa akin at tinatanggap ko ang aking mga pagkakasala,Kaya patawarin ako,dahil katotohanan walang makakapagbigay ng kapatawaran maliban sa Iyo.
Ayon kay Shaddad bin Aws, malugod si Allah sa kanya.Pangulo ng pananalangin sa Kapatawaran,Ang pagsabi ng alipin sa: "O Allah,Ikaw ang aking Panginoon,Walang ibang Diyos na karapa-dapat sambahin maliban sa Iyo,Ako ay Iyong nilikha at ako ay Iyong alipin,at ako ay susunod sa Iyong mga ipinag-utos at ipinangangako kong gagawin sa abot ng aking makakayanan,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking mga gawa,Tinatanggap ko ang Iyong mga biyaya sa akin at tinatanggap ko ang aking mga pagkakasala,Kaya patawarin ako,dahil katotohanan walang makakapagbigay ng kapatawaran maliban sa Iyo."
[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Русский Svenska ગુજરાતી አማርኛ Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Kiswahili پښتو অসমীয়া دری Кыргызча or Malagasy नेपाली Čeština Oromoo Română Nederlands Soomaali മലയാളം తెలుగు ไทย Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof Українська ქართული Magyar Moore Shqipالشرح
Ipinapaalam ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang mga pananalita sa panalanging ito ay tulad ng pangulo ng mga pananalita sa Paghingi ng Kapatawaran,at ito ang pagsabi ng alipin na:"O Allah,Ikaw ang aking Panginoon,Walang ibang Diyos na karapa-dapat sambahin maliban sa Iyo,Ako ay Iyong nilikha at ako ay Iyong alipin,at ako ay susunod sa Iyong mga ipinag-utos at ipinangangako kong gagawin sa abot ng aking makakayanan,Ako ay nagpapakupkop sa Iyo mula sa kasamaan ng aking mga gawa,Tinatanggap ko ang Iyong mga biyaya sa akin at tinatanggap ko ang aking mga pagkakasala,Kaya patawarin ako,dahil katotohanan walang makakapagbigay ng kapatawaran maliban sa Iyo."Pinagpapatunay sa una ng isang alipin sa Allah ang Pag-iisa Niya [ sa kanyang Pagka-Panginoon] At siya ay nasa pangako ni Allah-Napakamaluwalhati Niya-sa kanya mula sa Paniniwala sa kanya at pananampalataya sa kanya,sa abot ng makakaya niya,at hindi sa abot ng anumang inoobliga ni Allah-Pagkataas Taas Niya at Karapat-dapat sa kanya.Sapagkat ang alipin, kahit ano ang gawin niyang pagsamba,Hindi parin niya makakayanang gampanan ang lahat ng ipinag-uutos ni Allah sa kanya,at Hindi rin niya makakayanan ang pagsasagawa ng anumang karapat-dapat na pagpapasalamat sa Kanyang mga biyaya,Pagkatapos ay mananalangin siya sa kanya at hihingi ng tulong sa kanya,Sapagkat Siya ang kumukopkop sa mga kasamaan na nagawa ng kanyang mga alipin,Pagkatapos ay magpapakumbaba ang alipin at aamin sa Kanya,ng bukal sa kalooban dahil sa biyaya niya sa kanya,At babalik siya sa kanyang sarili sa Pagpapakumbaba at pag-aamin sa kasalanan niya at pagsuway niya,Pagkatapos ay mananalangin siya sa Allah na patawarin ito sa kanya,at pagtakpan siya sa kanyang mga kasalanan,at Buburahin [ni Allah] ang mga kasalanan niya dahil sa Pagpapatawad Niya at Kainaman Niya at Habag Niya,Sapagkat tunay na walang nagpapatawad ng mga kasalanan maliban sa Kanya-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-التصنيفات
Ang mga Dhikr sa Umaga at Gabi