إعدادات العرض
Tungkulin ng taong Muslim na may bagay na ihahabilin hinggil doon na hindi magpalipas ng dalawang gabi malibang ang habilin niya ay nakasulat sa piling niya.
Tungkulin ng taong Muslim na may bagay na ihahabilin hinggil doon na hindi magpalipas ng dalawang gabi malibang ang habilin niya ay nakasulat sa piling niya.
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Tungkulin ng taong Muslim na may bagay na ihahabilin hinggil doon na hindi magpalipas ng dalawang gabi malibang ang habilin niya ay nakasulat sa piling niya."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी සිංහල ئۇيغۇرچە Hausa Português Kurdîالشرح
Hindi bahagi ng pagiging karapat-dapat, tama, at mabuting pagpapasya para sa sinumang mayroong bagay na ninanais ihabilin at linawin, na ipagpapaliban iyon hanggang sa matagal na panahon. Dapat magdali-dali sa pagsulat nito at paglilinaw nito. Ang haba na pinapayagang hindi naisaulat ito ay dalawang araw. Dahil dito, tunay na si `Umar, malugod si Allāh sa kanya, matapos na marinig niya ang payong ito ng Propeta ay nagrerepaso noon ng habilin niya gabi-gabi bilang pagsunod sa utos ng tagapagbatas at paglilinaw sa tungkulin.التصنيفات
Ang Huling Tagubilin