إعدادات العرض
Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang bagay kailanman malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi kasalanan. Kung ito ay kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon.
Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang bagay kailanman malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi kasalanan. Kung ito ay kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon.
Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya: "Hindi pinapili ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, sa dalawang bagay kailanman malibang kinuha niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat ito ay hindi kasalanan. Kung ito ay kasalanan, siya ay ang pinakamalayo sa mga tao roon. Hindi naghiganti ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, para sa sarili niya sa anuman kailanman malibang labagin ang kabanalan ni Allāh sapagkat maghihiganti siya para kay Allāh, pagkataas-taas Niya."
[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Türkçe اردو 中文 हिन्दी Hausa Kurdî Português සිංහල Русский Kiswahili অসমীয়া Tiếng Việt ગુજરાતી Nederlands አማርኛ മലയാളം Română ไทยالشرح
Sa ḥadīth na ito, ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nasaad na kabilang sa mga katangian niyang nararapat tularan siya sa mga iyon ng Muslim ay na kapag pinapili siya sa dalawang bagay mula sa mga bagay-bagay ng panrelihiyon at makamundong pamumuhay, pinipili niya ang pinakamadali sa dalawa hanggat walang pagsuway rito at hindi siya nagagalit para sa sarili niya para maghiganti sa sinumang gumalit sa kanya, bagkus nagagalit siya para kay Allāh, pagkataas-taas Niya.