Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}

Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}

Ayon kay Ḥakīm bin Ḥizām (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, nakakita ka ba ng mga bagay na ako dati ay gumagawa ng mga iyon sa Panahon ng Kamangmangan gaya ng kawanggawa o pagpapalaya ng alipin o pakikiugnay sa kaanak? Kaya sa mga ito kaya ay may pabuya?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Umanib ka sa Islām kalakip ng nauna na kabutihan."}

[Tumpak] [Napagkaisahan ang katumpakan]

الشرح

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tagatangging sumampalataya, kapag umanib siya sa Islām, ay tunay na siya ay gagantimpalaan sa ginagawa niya noon sa Panahon ng Kamangmangan bago ng pag-anib niya sa Islām kabilang sa mga maayos na gawa gaya ng kawanggawa o pagpapalaya ng mga alipin o pakikiugnay sa kaanak.

فوائد الحديث

Ang mga magandang gawa ng tagatangging sumampalataya sa Mundo ay hindi gagantimpalaan sa Kabilang-buhay kapag namatay siya sa kawalang-pananampalataya niya.

التصنيفات

Ang Islām