Ang sinumang sumumpa sa katapatan, hindi siya kabilang sa atin.

Ang sinumang sumumpa sa katapatan, hindi siya kabilang sa atin.

Ayon kay Buraydah, malugod si Allah sa kanya, ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Ang sinumang sumumpa sa ipinagkatiwala, hindi siya kabilang sa atin."

[Tumpak] [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]

الشرح

Ang kahulugan ng ḥadīth: Ang babala laban sa pagsumpa sa ipinagkatiwala dahil ang pagsumpa sa ipinagkatiwala ay pagsumpa sa iba pa kay Allah at ang pagsumpa sa iba pa kay Allah ay shirk, gaya ng nasaad sa ḥadīth: "Ang sinumang sumumpa sa iba pa kay Allah ay tumanggi ngang sumampalataya o nagtambal [kay Allah]." Ang ipinakakahulugan ng shirk dito ay ang maliit na shirk dahil ang mga teksto ay nagpapahiwatig na ang pagsumpa lamang sa iba pa kay Allah ay hindi nakapagpapalabas sa tao sa Islam, maliban kung naniniwala ang nanunumpa na ang sinusumpaan ay nasa antas ni Allah, mapagpala Siya at pagkataas-taas Niya, sa pagdakila, pagsamba, at anuman nakawangis nito kaya naman ito ay magiging isang malaking shirk. Ang ipinakakahulugan ng ipinagkatiwala rito ay ang mga isinatungkulin ni Allah, pagkataas-taas Niya, gaya ng dasal, ayuno, ḥajj, at iba pa roon na kabilang sa isinatungkulin ni Allah sa mga lingkod Niya. Kaya kung sakaling nagsabi siya: Sumpa man sa katotohanan ng dasal ko, o Sumpa man sa katotohanan ng ayuno ko, o Sumpa man sa katotohanan ng ḥajj ko, o higit na maganda rito sa pamamagitan ng pagsabi: Sumpa man sa ipinagkatiwala ni Allah, ang lahat ng iyon ay ipinagbabawal dahil ang Muslim ay naatasang sumumpa kay Allah, pakataas-taas Niya, o sa isa sa mga katangian Niya at ang "ipinagkatiwala' ay hindi kabilang sa mga katangian niya. Ito ay isang utos lamang mula sa utos Niya at isang tungkuling mula sa mga isinatungkulin Niya. Ipinagbawal iyon dahil sa taglay niyon na pagpapantay sa mga ito at sa mga pangalan at mga katangian ni Allah, pagkataas-taas Niya. Ma`ālim As-Sunan 46/4, Subul As-Salām 550/2, at Al-Qawl Al-Mufīd Sharḥ Kitāb At-Tawḥīd 1/206, 2/214.

التصنيفات

Ang Pagtatambal