إعدادات العرض
Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}
Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}
Ayon kay `Amr bin Sulaym Al-Anṣārīy na nagsabi: {Sumasaksi ako kay Abū Sa`īd, na nagsabi: Sumasaksi ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay kinakailangan sa bawat muḥtalim, na magsipilyo siya, at magpahid siya ng isang pabango kung nakatagpo siya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी Kurdî Português සිංහල Svenska ગુજરાતી Yorùbá ئۇيغۇرچە Tiếng Việt Hausa Kiswahili پښتو অসমীয়া دری or Čeština नेपाली Română Nederlands Soomaali తెలుగు മലയാളം Кыргызча Српски Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Lietuvių Wolof Magyar ქართული Moore Українська Македонски Azərbaycan Malagasy Shqip Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ አማርኛ O‘zbek Italiano ភាសាខ្មែរالشرح
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpaligo sa araw ng Biyernes ay binibigyang-diin gaya ng tungkulin sa panig ng bawat lalaking adultong kabilang sa mga Muslim, na isinatungkulin sa kanya ang ṣalāh sa Biyernes. Maglilinis siya ng mga ngipin niya sa pamamagitan ng siwāk at tulad nito. Magpapabango siya sa pamamagitan ng alinmang pampabangong kaaya-ayang halimuyak.فوائد الحديث
Ang pagkatiyak ng pagsasakaibig-ibig ng pagpaligo sa araw ng Biyernes sa bawat lalaking Muslim na adulto.
Ang kalinisan at ang pag-aalis ng mga masamang amoy ay hinihiling ayon sa Batas ng Islām para sa Muslim.
Ang pagdakila sa araw ng Biyernes at ang paghahanda para rito.
Ang pagbibigay-diin sa pagsasakaibig-ibig ng paggamit ng siwāk para sa Biyernes.
Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpapabango ng alinmang halimuyak na pampabangong kaaya-aya bago ng pag-alis para sa ṣalāh sa Biyernes.
Ang babae, kapag lumabas siya ng bahay niya para sa ṣalāh o iba pa rito, ay hindi pinapayagan ang magpabango batay sa pahiwatig ng Sunnah sa pagbabawal niyon.
Ang muḥtalim ay ang adulto (bāligh). Ang pagkaadulto ay natatamo dahil sa mga palatandaan, na may tatlo sa mga ito na nakikibahagi ang lalaki at ang babae. Ang mga ito ay: 1. Ang pagkalubos ng edad ng 15 taon, 2. Kapag tumubo ang buhok sa paligid ng ari, at 3. Ang paglabas ng punlay dahil sa wet dream o dahil sa pagnanasa kahit pa man walang wet dream. Hinggil naman sa ikaapat na palatandaan, ito ay natatangi sa babae: ang pagreregla. Kaya kapag nagregla ang babae, siya ay naging adulto na.