Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay lumabas mula sa palikuran,sinasabi niyang: Ang Kapatawaran Mo [ O Allah],

Katotohanang ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Kapag siya ay lumabas mula sa palikuran,sinasabi niyang: Ang Kapatawaran Mo [ O Allah],

Ayon kay `Ā’ishah,Nagsabi siya: Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kapag siya ay lumabas mula sa Palikuran,sinasabi niyang: Ang Kapatawaran Mo [ O Allah]," At ayon kay Ibn Mas`ud,Nagsabi siya: ((Pumunta ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa Palikuran,Inutusan niya ako na bigyan ko siya ng tatlong bato,nakakita ako ng dalawang bato,at naghanap ako ng ikatlo ngunit wala akong nakita,Kumuha ako ng dumi [ng hayop] at ibinigay ko ito sa kanya,Kinuha niya ang dalawang bato at itinapon niya ang dumi [ng hayop])) at nagsabi siya: (( ito ay Marumi))

[Tumpak.] [Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah]

الشرح

Sa Hadith ni `Ā’ishah, malugod si Allāh sa kanya.Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Ay nagsasabing:" Ang Kapatawaran Mo [O Allah]sa paglabas niya sa lugar na dinudumihan,ibig sabihin ay: Hinihiling niya sa Allah at Kapatawaran,At marahil ang layunin-Ang Allah ang higit na nakakaalam-na.mula nang maging magaan [sa kanya] ang sakit na nararamdaman [sa panlabas],naikumpara niya na humiling din ng pagpapagaan sa sakit na moral.At sa Hadith ni Ibn Mas`ud-malugod si Allah sa kanya-Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay pumunta sa Palikuran,inutusan siya na kumuha ng tatlong bato,nakakita siya ng dalawang bato at hindi siya nakakita na pangatlo,kumuha siya ng dumi ng hayop at dinala niya ito,inakala niya na siya ay magagantimpalaan-malugod si Allah sa kanya-Kinuha ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang dalawang bato at ipinaglinis niya ito,at itinapon niya ang dumi,at ipinaalam niya ang dahilan na dahil ito ay marumi at hindi ipinapahintulot ang paglilinis sa mga lugar na labasan [ng dumi],rito.at ito ay sa lahat ng dumi [ng hayop],Sapagkat kung ito ay nagmula sa mga [hayop na] hindi nakakain ang karne,tulad ng naisalaysay sa Hadith,ito ay marumi,at kung galing sa mga [hayop] na nakakain ang karne ,ito naman ay pagkain ng mga ng Engkanto.

التصنيفات

Ang mga Kaasalan ng Pagtugon sa Tawag ng Kalikasan