{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka napunta siya sa isang basurahan ng isang lipi saka umihi siya

{Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka napunta siya sa isang basurahan ng isang lipi saka umihi siya

Ayon kay Ḥudhayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ako minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka napunta siya sa isang basurahan ng isang lipi saka umihi siya habang nakatayo. Nagpakalayu-layo naman ako ngunit nagsabi siya: "Lumapit ka rito." Lumapit naman ako hanggang sa tumayo ako sa tabi ng mga sakong niya saka nagsagawa siya ng wuḍū' saka nagpahid sa khuff niya.}

[Tumpak] [Nagkasang-ayon sa katumpakan nito]

الشرح

Nagpapabatid si Ḥudhayfah bin Al-Yamān (malugod si Allāh sa dalawa) na ito minsan ay kasama ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagnais siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na umihi. Pumasok siya sa isang basurahan ng isang lipi, ang bahagi na tinatapunan ng basura at alikabok na winawalis mula sa mga tahanan. Umihi siya habang siya ay nakatayo. Ang nananaig sa kinahiratian niya ay umihi nang nakaupo. Nagpakalayu-layo naman sa kanya si Ḥudhayfah ngunit nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dito: "Lumapit ka." Lumapit naman si Ḥudhayfah sa kanya hanggang sa tumindig ito sa likuran niya sa tabi ng hulihan ng mga paa niya upang ito ay maging gaya ng tabing para sa kanya para makatakip sa pagtingin sa kanya sa kalagayang iyon. Pagkatapos nagsagawa ng wuḍū' ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Sa sandali ng paghuhugas ng mga paa, nagkasya siya sa pagpahid sa khuff niya – ang isinusuot sa paa na yari sa manipis katad at tulad nito at nagiging tagatakip ng mga bukung-bukong – at hindi siya naghubad nito.

فوائد الحديث

Ang pagkaisinasabatas ng pagpapahid sa khuff.

Ang pagpayag sa pag-ihi nang nakatayo sa kundisyon na walang tumalsik sa kanya na anuman mula sa ihi.

Ang pagpili ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng basurahan, ang lugar ng basura at pinagwalisan, ay dahil ito kadalasan ay isang patag, na hindi nakababalik dito ang ihi sa umiihi.