إعدادات العرض
Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya
Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya
Ayon kay Ṣuhayb (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Paghanga ay ukol sa lagay ng mananampalataya! Tunay na ang lagay niya sa kabuuan nito ay kabutihan. Iyan ay hindi ukol sa isa man maliban sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya; at kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya kaya ito ay naging kabutihan para sa kanya."}
الترجمة
العربية বাংলা Bosanski English Español فارسی Français Bahasa Indonesia Русский Türkçe اردو 中文 हिन्दी ئۇيغۇرچە Hausa Kurdî Kiswahili Português සිංහල دری অসমীয়া Tiếng Việt Svenska Yorùbá Кыргызча ગુજરાતી नेपाली മലയാളം Română Nederlands Soomaali پښتو తెలుగు Kinyarwanda ಕನ್ನಡ Српски Moore ქართული Čeština Magyar Українська Lietuvių Македонски Azərbaycan Wolof አማርኛ Malagasy Oromoo ไทย Deutsch मराठी ਪੰਜਾਬੀ ភាសាខ្មែរالشرح
Humahanga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pumapatungkol sa mananampalataya at mga kalagayan nito bilang pagsang-ayon. Iyon ay dahil ang mga kalagayan niya sa kabuuan ng mga ito ay mabuti at hindi ukol iyon sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kay Allāh dahil dito kaya natatamo para sa kanya ang gantimpala dahil sa pasasalamat. Kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya at umaasa kay Allāh ng gantimpala saka natatamo para sa kanya ang gantimpala dahil sa pagtitiis, kaya naman siya ay nasa isang gantimpala sa bawat kalagayan.فوائد الحديث
Ang kainaman ng pagpapasalamat dahil sa kariwasaan at ang pagtitiis dahil sa kariwaraan sapagkat ang sinumang gumawa niyon, matatamo para sa kanya ang mabuti sa Mundo at Kabilang-buhay; at ang sinumang hindi nagpasalamat dahil sa biyaya at hindi nagtiis dahil sa kasawian, makaaalpas sa kanya ang pabuya at matatamo para sa kanya ang pasanin.
Ang kainaman ng pananampalataya at na ang pabuya sa bawat kalagayan ay hindi mangyayari kundi sa mga alagad ng pananampalataya.
Ang pagpapasalamat sa sandali ng kariwasaan at ang pagtitiis sa sandali ng kariwaraan ay kabilang sa mga kakanyahan ng mga mananampalataya.
Ang pananampalataya sa pagtatadhana ni Allāh at pagtatakda Niya ay gumagawa sa mananampalataya na maging nasa isang kumpletong pagkalugod sa lahat ng mga kalagayan niya, na kasalungatan sa hindi mananampalataya na magiging nasa isang palaging pagkainis sa sandali ng pagkaganap ng pinsala sa kanya. Kapag naman nagkamit siya ng isang biyaya mula kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), nagpapakaabala siya rito palayo sa pagtalima kay Allāh, lalo na sa paggamit dito sa pagsuway kay Allāh.
التصنيفات
Ang Pagdadalisay sa mga Kaluluwa